Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy Sports para sa EDSA

021315 PNoy Sports luksung-tinikANG tradisyunal na larong luksung-tinik. (HENRY T. VARGAS)

Gaganapin ang PNoy Sports sa ika-apat nitong torneo sa pag-alaala sa ika-29 anibersaryo ng People Power Revolution sa Pebrero 15 sa Liwasang Aurora, Quezon City Memorial Circle.

Ang 4th Leg ng PNoy Sports Preventive Health Program ay pagpapatuloy ng kampanya ng Yellow Ribbon Movement (YRM) na buhaying muli ang ethnic sports sa Pilipinas at ibalik ang mga tradisyunal na larong Pinoy para sa bonding, kompetisyon, sportsmanship at pagkakaibigan.

Naging posible ito sa pakikipagtulungan nina Konsehal Mayen Juico at Bise Alkalde Joy Belmonte.

Ipinagmamalaki ni Juico ang programa na katatapos lamang sa ikatlo nitong kompetisyon sa Hacienda Luisita sa Tarlac, tahanan nina Ninoy at Cory Aquino, na silang bayani ng YRM. Dalawang-daang bata ang sumali sa edisyon sa Norte.

Ang kauna-unahang PNoy Sports ay ginanap noong Agosto 2013 sa Quezon City Memorial Circle kung saan 700 mga bata at kanilang 210 magulang ay naglaro, at ang ikalawa ay noong Nobyembre 2013 sa Rizal Park na sinalihan ng isanlibong mga bata mula sa Akap sa Bata Foundation, Leyte at Apolinario Mabini Elementary School.

Espesyal na bisita ang rap artist na si Wilson G na ipaparinig sa lahat ang kanyang mga sikat na komposisyon, na inawit din niya sa Tarlac.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …