IPINAKITA ng US Navy ang prototype robot firefighter – ngunit hindi ito maaaring hintayin para kayo ay sagipin mula sa nasusunog na gusali.
Ang 5ft 11in, 143lb (64kg) robot ay naglalakad at nakagagawa ng ilang tasks, ngunit mabagal sa pagkilos.
Gayonman sinabi ng US Navy, naging kahanga-hanga naman ang kanilang nakita sa ginanap na pagsubok nitong Nobyembre sa USS Shadwell, isang decommissioned Navy ship.
Ang Shipboard Autonomous Firefighting Robot (SAFFiR) ay nakapaglalakad sa pantay na sahig, gumagamit ng thermal imaging sa pagtukoy ng overheated equipment at nakapag-aapula ng maliit na apoy gamit ang hose.
Ito ay mayroon ding rotating laser upang makakita sa makapal na usok.
Sinabi ni Dr. Thomas McKenna, programme manager ng Office of Naval Research, “The long-term goal is to keep sailors from the danger of direct exposure to fire.”
Ini-develop ng scientists sa Virginia Tech, ang SAFFiR ay maaaring makapagpatupad ng mga gawain, bagama’t dapat kontrolin sa pamamagitan ng computer console.
(Sky News US Team)