Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jockey Randy Llamoso at ang mga OTBs

00 dead heatISANG BATANG Sampaloc, Maynila ang biglang sumibol o gumawa ng pangalan sa mga kasalukuyang hinete dito sa ating bansa. Iyan ay si Jockey Randy Llamoso.

Nasa mababang paaralan pa lang si Randy ay talaga hilig na niya ang maging isang hinete.

Huling araw ng Karera sa San Lazaro Club (ililipat na ito sa Cavite City) nang mag-apply si Jockey Llamoso kasama sina Jockey R.R Camanero at J.B. Hernandez para maging apprentice jockey.

Lahat ng requirements na kailangan para maging isang hinete ay ibinigay at naipasa niya.

Taong 2006 nang mag-aral siya sa Philippine Jockey’s Academy (saling pusa lang daw siya dito) sa ilalim ng pamamahala ni Jockey Teddy Bolante).

Ang Kauna-unahang pangarerang kabayo ang kanyang nasakyan ay ang pag-aari ni Mr.Trillanes na madali niya itong natutunan igiya dahil may karanasan na siyang sumakay sa inuupahang mga kabayo sa Baguio City.

Naging isang apprentice jockey si Llamoso taong 2009.

Nang sakyan niya sa aktuwal na laban ang kabayong Demolition Jack ay napatawan agad siya ng suspensiyon dahil napaghinalaan siya na walang interest manalo sa sinalihang karera.

Nang matapos ang parusang suspensiyon ay naipanalo niya agad ang kabayong Irish Smile at dito ay lumaki ang kompiyansa niya sa sarile.

Naghihintay ng lang ng “Working Visa” papuntang Japan si Jockey Llamoso upang subukan ang kanyang magiging kapalaran.

”Doon sa mga gustong maging isang professional jockey, dapat disiplinado sa sarile at iwasan ang masasamang bisyo. Isipin lagi ang pamilya at bigyan sila ng magandang kinabukasan, “ pangwakas ni Jockey Randy Llamoso.

oOo

Sa Pebrero 15,2015 hahataw ang “17th Philtobo Gintong Lahi Awards and Philtobo Racing festival sa karerahan ng Metro manila Turf Club,Inc. (MMTC).

May garantiyang premyo na P150,000 sa mananalong kabayo at may karagdagang P17,000 kung ang mananalong may-ari ng kabayo ay miyembro ng Philtobo.

Sa Pebrero 2,2015 ay lalarga naman ang 2015 Philracom 3YO Local Colts sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite na may distansiyang 1400meters.

oOo

Marami pa ring nagtatanong kung bakit may mga OTBs na nagkapag-operate na MALAPIT sa mga paaralan, simbahan at may mga OTBs na malapit sa isa’t-isa.

Hindi ba ipinagbabawal ng Games and Amusements Board ang ganyang sistema? Paano daw nakakalusot ang isang may-ari na MAG-OPERATE ng OTB kung talagang malapit ito sa simbahan, paaralan at at malapit pa sa isa’t-isa.

May nangyayari bang HIMALA at nakakalusot ang ganitong sistema?

ANO ANG MASASABI NG PAMUNUAN NG GAB!?

oOo

Binabati ni David Francisco ng kayang may-bahay ng Happy Vakentine na si Malou at ang kayang ama na si retired Col. Conrado Francisco.

HAPPY VALENTINE SA LAHAT NG READERS NG HATAW!!!

 

ni Freddie M. Mañalac

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …