Sunday , December 29 2024

Coach at parent ng ADDU ang unang lumalabag sa mission ng RIFA?!

00 Bulabugin jerry yap jsyANG Rizal Football Association (RIFA) ay kinabibilangan ng mga football team mula sa mga kilalang private schools sa buong bansa.

Ang sabi sa kanilang website, ang kanilang mission ay: “To teach cooperation and teamwork, help develop positive social skills and develop respect for others.”

Pero sa isang insidenteng inireklamo sa inyong lingkod, hindi natin nakita ang misyon na ito ng RIFA.

Nitong nakaraang araw ng Linggo (Pebrero 9), isang estudyante ng Saint Pedro Poveda Grade School ang nakaranas ng pambu-BULLY mula sa magulang at coach ng kalaro nilang team sa idinaraos na 12th RIFA Cup sa Ateneo de Manila sa Katipunan Road, Quezon City.

Laro noon ng Saint Pedro Poveda Grade School laban sa Ateneo De Davao under-nine football team.

Ang football gaya ng basketball ay isang pisikal na laro. Ang balyahan, sikohan at banggaan ng mga katawan ay  hindi maiiwasan.

Pero mukhang hindi ito naiintindihan ng isang magulang na kinilala sa pangalang Mr. AGUSTIN. Dahil nang madaganan at masiko ang kanyang anak ay agad siyang sumugod sa football field, hinawakan ang kanyang anak saka sinugod at binulyawan ang isang 9-anyos na batang babae ng: “TINGNAN MO ITO! KANINA PA ITO! NANAKIT ITONG BATANG ITO!”

Ginawa ito ni Mr. Agustin na nakaharap ang coach ng koponan ng kanyang anak na si Reynalyn Ravanes.

Nanghihinayang tayo sa ginagastos ni Mr. Agustin sa pagpapaaral niya sa kanyang anak.

Hindi yata alam ni Mr. Agustin na kahit sa pinakamagandang eskuwelahan pa niya pag-aralin ang kanyang anak kung hindi naman siya nagpapakita ng magandang eksampol sa kanilang pamilya ‘e ‘yung masamang asal pa rin ang magagaya ng kanyang anak.

Hindi yata naisip ni Mr. Agustin na siya ay lalaki, mas matandang ‘di hamak sa kalaro ng kanyang anak at higit sa lahat hindi siya dapat sumusugod sa loob ng football field dahil mayroong mga awtorisadong tao na dapat mamahala at magkontrol roon kung kinakailangan.

Aba’y kung ayaw mong nasasaktan ang anak mo Mr. Agustin ‘e sa ibang sports mo siya pasalihin at palaruin?!

Paano kung wala rin breeding ‘yung magulang ng sinigawan niyang bata?! ‘E ‘di sumugod din doon sa loob ng football field at baka biglang naging ‘boxing ring’ dahil magpapang-abot na sila.

Ang higit nating ipinagtataka bakit hinayaan ng coach na si Reynalyn Ravanes na nagtatatalak si Mr. Agustin habang dinuduro ang batang babae?!

Hindi rin ba naiintindihan ni Ms. Ravanes ang mga regulasyon ng RIFA?!

Kunsabagay, ibang klase rin daw magbigay ng pampalakas ng loob at motivation ang coach na si Ravanes sa team ng ADDU.

Ganito lang naman ang narinig ng mga bata mula kay Ms. Ravanes: “WAG KAYO MAGPAPATALO DYAN! MGA WALANG KWENTA YANG MGA KALABAN NYO!”

Ang tinutukoy niya rito ay ang Poveda kids na kahit mga matitikas na Englesero ‘e nakauunawa ng Tagalog.

Ang tanong ngayon, ano naman ang naging aksiyon ng RIFA sa pambu-bully na ito nina Mr. Agustin at c0ach Ravanes?! 

Sapat na ba ang ‘SORRY’ considering na na-trauma ‘yung batang sinugod at dinuro ni Mr. Agustin?!

Paano ito magiging deterrent sa ibang mga magulang na mas pikon pa sa mga anak nilang naglalaro sa football field?!

Mr. AGUSTIN, kung isinali mo nga sa football ang iyong anak pero hindi mo kayang makita na siya ay nasasaktan, puwede ba paturuan mo na lang maggantsilyo sa bahay ninyo ‘yang anak mo!

Inuulit lang po natin, dahil sa inaasal mong ganyan Mr. Agustin, hindi nade-develop ang sportsmanship at positive social skills sa iyong anak kundi ang pambu-bully.

Sayang ang gastos mo Mr. Agustin.

‘Palengke’ hearing sa Kongreso

HINDI nga nagkabisala ang ating haka-haka.

Hindi lang naging chopsuey kundi naging palengke pa ang ginagawang imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon.

Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa House investigation. Sumakit lang ang ulo ko!

Hindi ko alam kung bakit tila gustong umiyak ni PNP OIC General Leonardo Espina.

Gusto ba niyang umiyak nang mga oras na iyon dahil alam niyang pinaglalaruan lang sila ng mga buwaya ‘este mambabatas na gustong mag-grandstanding sa nasabing imbestigasyon/inquiry umano?!

Gusto ba niyang umiyak dahil inulit ulit lang ng mga kongresman ang tanong ng mga senador?

O gusto ba niyang umiyak kasi alam naman niyang walang mangyayari sa nasabing imbestigasyon?

General Espino Sir, kalamayin mo lang ang loob mo dahil mayroon pang ibang imbestigasyon na magaganap at muli nila kayong isasalang. Para kayong mga sirang plaka na paulit-ulit lang ninyong sasabihin ang mga nauna na ninyong sinabi.

At sa huli, tatanungin ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang mahihita ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing mga imbestigasyon.

Hindi na kaya mauulit ang nasabing mga insidente?

Higit sa lahat, matutukoy ba kung sino ang dapat managot at mapaparusahan para maigawad ang katarungan sa Fallen 44?

Wish ko lang!

Re-stamping ng RA-7919 holder, pinagkakaperahan ngayon sa BI

May mga reklamo tayong natanggap tungkol sa  talamak na areglohan at pamemera raw ng ilang tulisan diyan sa registration at re-stamping ng mga foreigners na may ASIO o R.A. 7919.

Simula kasi nang pagdiskitahan ni Comm. Fred Mison na ipakalkal ang mga papeles ng mga foreigner na may hawak na ASIO, nabisto raw na napakaraming aberya o ‘tama’ ng mga na-approved na ASIO holders.

Palibhasa sa sobrang corrupt ‘este luwag daw noong araw ng sistema, napakarami raw ng nakapagpalusot ng kani-kanilang ASIO applications.

Para sa kinalaman ng nakararami, ang qualified na makapag-apply ng ASIO ay ‘yung mga dayuhan na dumating sa ating bansa on or before June 30, 1992.

Sakop dito ang kanilang dependents. Ngunit palibhasa ay corrupt ‘este maluwag daw ang mga nakapuwesto noon, may mga nakapagpalusot na dumating ng bansa na lampas sa naitakdang deadline o petsa.

Ang iba naman ay namatay na at ang ginawa ng mga notorious fixers na gaya nina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY, ipinagamit ang mga papeles nila sa iba. Talamak ang raket na ito sa mga Chinese at Bombay.

Kahit itanong n’yo pa raw kay Mr. Danny Almeda!?

Kaya naman nang ipakalkal ngayon ni Comm. Fred ‘dishonesty’ Mison ang ganitong aberya, para namang pinatama ng mega lotto sina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY, ang mga Chinese & Indian fixers at ang hearing officers daw diyan sa ASIO or R.A. 7919!?

Anong sey n’yo rito, Atty. UNCAD at Atty. VERA???

For the information of the Honorable Commissioners, may mga nagsabi sa atin na 20k ang gay-la sa normal processing pero napakalaki raw ng singilan kung non-appearance para sa registration at re-stamping.

May mga sumbong din na may nakakakita na kasama ng ilang abogago ‘este abogado ang mga notorious fixer diyan sa Binondo na lumalamon ‘este kumakain at doon tinatapos ang kanilang transaksiyones. May free-trip pa raw to China ang mga kamote!?

Kaya suma-total, jackpot to the max pala ang karaketan ng mga hinayupak!?

At ang isang tao na tumatabo raw ngayon di-yan ay isang alyas Atty. PERA!?

Anong masasabi mo ngayon dito, Comm. Fred ‘dishonesty’ Mison?

Paiimbestigahan mo ba ang raket na ito o dedma to the max ka rin??? 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *