NAG-IWAN ang isang Amerikano na nagtrabaho bilang janitor, ng mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit £5 Million.
Walang sino mang nag-akala sa laki ng yaman ni Ronald Read, mula sa Brattleboro sa Vermont, bago siya namatay noong Hunyo 2014 sa gulang na 92.
Ang dating gas station employee at janitor ay ginagamitan ang kanyang coat ng safety pins at mahilig mamulot ng kahoy na panggatong.
Gayonman, regular siyang nagbabasa ng Wall Street Journal at may kakayahan sa pagpili ng stocks, talentong natuklasan makaraan siyang mamatay at nag-iwan ng $6 Million sa local library at ospital.
Ang kanyang investment ay lumago sa nakaraang mga taon sa tinatayang $8 Million (£5.2M), pahayag ng kanyang abogado na si Laurie Rowell.
“He was unbelievably frugal,” ayon kay Ms. Rowell.
Aniya, kapag binibisita ni Mr. Read ang kanyang opisina, “sometimes he parked so far away so he wouldn’t have to pay the meter”.
Nag-iwan siya ng $4.8 million sa Brattleboro Memorial Hospital at $1.2 Million Brooks Memorial Library, pinakamalaking natanggap na donasyon ng dalawang institusyon.
Namahagi rin si Mr. Read ng maliliit na pamana sa iba pang mga institusyon at ang kanyang total na yaman ay umaabot sa $8 million, ayon sa ulat. (ORANGE QUIRKY NEWS)