Si Boyet del Rosario na ba ang ka-tandem ni Mayor Tony Calixto sa 2016?
hataw tabloid
February 11, 2015
Opinion
SA POLITIKA mayroong nagtatagumpay sa kasabihang dinadaig daw ng maagap ang masipag…pero may nasisilat rin, kasi may katapat na kasabihan ‘yan ‘yung — ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
Hindi natin alam kung narinig o nabasa na ba ang mga kasabihang ito ng isang Boyet Del Rosario d’yan sa Pasay City.
Si Mr. Boyet del Rosario, ay isa sa mga trusted man ni unbeatable Pasay Yorme Tony Calixto at kasalukuyang hepe ng Pasay BPLO.
Walastik!!! Juicy position pala ang hawak ni Yet-bo!?
Anyway, kapansin-pansin kasi ngayon sa Pasay City ang sala-salabat na mukha ‘este tarpaulin ni Boyet Del Rosario na bumabati ng Happy Valentine’s.
E napakasipag palang bumati nitong si Boyet del Rosario. Kung puwede lang niyang lagyan ng tarpaulin ang bahay bahay sa Pasay City, ‘e gagawin niya siguro?
Ang lihim umano ng kasipagan na ito ni Boyet ‘e dahil very confident daw ang mama at very sure siya na siya ang mapipiling vice mayoralty candidate ni Mayor Antonino “Tony” Calixto.
Hmmnnnn… kaya?!
Knowing Mayor Calixto, hindi siya magdedesisyon nang walang matibay na basehan.
Mas malamang na magpa-survey muna siya kung sino kina incumbent vice mayor Marlon Pesebre, Konsehal Richard Advincula, dating Konsehal Onie Bayona at Boyet Del Rosario ang malapit sa ‘puso’ ng mga Pasayeño at malamang na makasungkit ng malaking boto.
Na kay Mayor Calixto rin ang tagumpay ni Boyet kung didiin sa kanya sa eleksyon 2016.
By the way, napanood kaya ni Mr. Boyet del Rosario ‘yun nag-trending sa social media na retrato ng isang opisyal sa Pasay city hall na pumipinta ng baraha (baccarat) sa Resorts World VIP casino, tatlong taon na ang nakararaan?
Kaya paalala lang natin kay Mr. Boyet Del Rosario, hinay-hinay lang. Huwag kang magmatulin dahil baka matinik ka nang malalim.
Ano sa tingin ninyo, Mayor Tony Calixto?!
Glass wall ng Resorts World Casino Delikado
KAMAKALAWA, tatlo katao ang nasaktan at nasugatan nang mabagsakan ng glass wall habang naglalaro sa silat ‘este slot machine ng Resorts World Casino sa Pasay City.
Tatlong babae, dalawa sa kanila ay senior citizen ang nasaktan at nasugatan. Agad nang silang naitakbo sa ospital (suwerte pa po iyon), mabuti naman at hindi malubha ang kanilang kalagayan.
Pero ang nakatatakot diyan, paano kung napuruhan ‘yung tatlo lalo na ‘yung dalawang senior citizen?!
Mantakin ninyo naglaro lang ng slot machine nabagsakan pa ng glass wall?!
SONABAGAN!
Nakakasiguro ba tayo na hindi na mauulit ang insidenteng ito sa RW Casino? Safe & sound ba talaga ang structure nila?
Na-inspection na bang mabuti ‘yan ng Pasay engineering office?
Resorts World Casino, ang laki ng kinikita ninyo sa mga kliyente ninyo pero hindi man lang ninyo maiprayoridad ang kaligtasan nila?!
Huwag naman kayong puro ganansiya!
Mala-‘Harem’ na opisina sa Bureau of Immigration Main Office
NALULUNGKOT tayo sa nangyayari ngayon sa Bureau of Immigration (BI) na parang dumarami ang mga kontrobersiyal na isyung pinag-uusapan tungkol sa tanggapan ng isa sa mataas na opisyal diyan.
Marami na umanong BI employees ang nakapapansin doon sa isang tanggapan ng isang mataas na opisyal na pawang piling-piling babaeng em-pleyada ang inia-assign.
Kumbaga, pang-beauty queen ang gusto ni Immigration official na nakikita n’ya sa loob ng kanyang tanggapan.
‘Yun bang tipong nasa HAREM siya.
Usap-usapan nga na kakaiba raw talaga ang sexual ‘este working habit ni Immigration bossing.
Parang lalagnatin yata siya kapag hindi maganda ang nakikita niya.
Kakaiba nga raw talaga ang LIBIDO ‘este estilo ni Immigration bossing.
‘E kung ganyan pala ang working habit ni Immigration official, medyo nakatatakot ‘yan ‘di ba?
Ano kaya sa palagay mo, Immigration Commissioner Siegfred Mison!?
Resorts World casino dealers at bisor rumaraket sa labas!? (Paging: Andrew Tan & Kingson Sia)
GOOD am sir Jerry, talk of the town ds week ang mga dealer, inspector at mga VIP BD na nakikipagkita sa players sa labas para manghingi ng balato at tip. Isang dealer muntik pang ma-rape buti n lng medyo wise ‘yun dealer. Sana ginawa n lng legal ng RW ang tip sa empleyado para hndi na gumigimik sa players. Ang siste ang kinampihan ng management ‘yung player. Sibak si dealer. – concerned RW dealer. +63918955- – – –
Rossver Manpower Employment manloloko ng aplikante
GOOD days po sir Jerry paki-BULABOG lng po tong agency na ‘to, ako po ng apply dto blang isang PROMODIZER sa opis nla sa BIG ORANGE BLDG. MONUMENTO CIRCLE CALOOCAN CTY. Pina-exam nla ako at pgkatapos interview bnigyan ako referal ng medical sa St. Michel Clinic at ngbayad ako ng 800 pgkatapos medical d na kailangan antayin mo result basta pakita m lng resebo na nakapa-medical ka na matic na qualified ka na sa kanila. Pgkatapos bgyan kn nla ng notice n mag-report sa head opis nila sa Guadalupe Makati. Kapag dun ka na opis bbigyan k nla ng BIO DATA na my letter head n ROSSVER MANPOWER EMPLOYMENT bago mo pilapan un babayaran mo muna ng 60 pesos. Pagkatapos mo pumilap exam ulit at interview pagkatapos hingan ka ng 300 para raw sa process document. Pgbgay mo ng 300 bbgyan ka na nila ng endorsement letter n kung san ka kompanya i-assign. Pagkadoon ka na s ibinigay na kompanya ttingnan ung endorsement letter mo ng contact person pagkatapos no’n walang transakyon na mangyayari at walang trabaho dahil hndi cla konektado ng nagrekomenda ng tao at may sarili clang agency n kinukuhanan ng tao pag kailangan nla ng factory worker. Ganito ang sistema ng panloloko ng ROSVER MANPOWER EMPLOYMENT. Padala ka nila sa companya na wala namang kaugnayan sa kanila. kaya wag na wag kayo mag-apply dto at maloloko lng kau #+63939128 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com