Sunday , November 17 2024

Nagsasakripisyo ako — Tenorio

ni James Ty III

091114 Aguilar Tenorio

NATUWA ang point guard ng Barangay Ginebra San Miguel na si Lewis Alfred “LA” Tenorio pagkatapos na naitala ng Gin Kings ang una nilang panalo sa PBA Commissioner’s Cup kontra San Miguel Beer noong Linggo.

Sa panayam ng programang PTV Sports ng People’s Television 4 noong Lunes, sinabi ni Tenorio na malaking tulong ang kanyang sakripisyo sa opensa para makaangat ang Kings at makabawi mula sa mga pagkatalo nila kontra Meralco at Barako Bull.

“Since Gilas Pilipinas days, nag-sakripisyo ako kasi I concentrated on my role bilang distributor,” wika ni Tenorio. “Kaya after Gilas, I continued on my role kasi marami kaming scorers sa team and it was a matter of getting re-adjusted to the run-and-gun style ni coach Ato (Agustin). And offensively, against San Miguel, we’re sharing the ball, kasi defensively, wala namang problema.”

Ayon pa kay Tenorio, may iniindang pilay sa paa ang kanyang kakamping si Japeth Aguilar mula pa noong panahong nasa Gilas silang dalawa kaya hindi ginagamit nang masyado ni Agustin si Aguilar.

Susunod na makakaharap ng Ginebra ang Kia sa Biyernes.

“We need to control their import (PJ Ramos) dahil sobrang laki and he can bring the ball inside. Pero overall, hopefully this is the start of the good things,” ani Tenorio.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *