Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Rabbit sa Year of the Sheep

ni Tracy Cabrera

021115 Rabbit Sheep

02/14/1915-02/02/191602/02/1927-01/22/192802/19/1939-02/08/1940

02/06/1951-01/26/195201/25/1963-02/12/196402/11/1975-01/30/1976

01/29/1987-02/16/198802/16/1999-02/04/200002/03/2011-01/22/2012

01/22/2023-02/09/202402/08/2035-01/27/203601/26/2047-02/13/2048

Sa kronolohiya ng Kuneho (Rabbit) sa taon 2015, mapapatunayang magiging ginintuang panahon ng katiwasayan. Sa wakas ay madidinig ang mga sinaunang panalangin na magbibigay sa iyo ng magaang na pamumuhay. Yaong nakapagtatag ng pundasyon para sa kasalukuyang kinaroroonan ay magsisilang ng madaling kabuhayan.

Kung ang Year of the Wood Sheep (Ram, Goat) ay hindi magseselos sa Kuneho (Rabbit), o Pusa, at mamamantine ang magandang relasyon kay Madame Fortuna—hindi maitataboy ang suwerte. Magagawang makapagpahinga sa mainit at ligtas na lugar, magkakaroon ng sapat na panahon para magawa ang mga tungkulin, at mabibig-yan lagi ng oportunidad para sa pag-asenso.

Magdadala ang 2015 para sa mga Kuneho ng stabilidad at malakas at maliwanag na pakiramdam. Hindi naman dahil pabor ang Diyosa ng pag-ibig na si Venus sa iyo, kundi dahil magbubukas sa iyo ang mapagmahal na panahon. Magbibigay-daan para ikaw ay makapagtuon ng pansin sa mga bagay na nararapat sanhi ng pagkakaroon ng kompiyansa sa kinabukasan at katiwasayan.

Pagdating sa iyong propesyon, ang matinding rasyonal ng Kuneho ay magbibigay ng puwang para sa posibilidad ng pag-angat ng kabuhayan, at dahil na rin ito sa iyong tiwala sa sarili at ayuda ng mga bituin sa langit.

Ipinapayo ng horoscope sa 2015 na sumabay sa sayaw at huwag labanan ang agos, at magreresulta ito para sa iyong kapakinabangan. Paniwalaan na ang mga tao ay hindi perpekto: maaari silang ma-ging tamad, mangmang, mapanlinlang at sila ang maaaring maging kasama mo sa iyong trabaho at tahanan! Huwag asahan ang iyong mga kasamahan na maging masipag tulad mo; o intelihente; umasa sa sariling pagsisikap at talento at mapapansin na mababawasan ang kabiguang mararanasan. Kung pananatilihin ang pagnanais na baguhin ang mundo, magreresulta lang ito sa gulo at pagkagalit ng iba sa iyo.

Huwag magbunganga at sa halip ay ituon ang pansin sa iyong mga proyekto imbes mag-udyok ng mga taong nakapaligid na sumang-ayon sa iyong mga ideya. Nagbabala ang horoscope ukol sa pagmamadali at pagiging mainitin sa pagkilos at paggawa ng desisyon. Kaila-ngang maging maingat at pinaplano ang mga hakbang na gagawin.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …