Sunday , December 22 2024

2 police official todas sa granada (Hinagisan ng tauhan)  

Police Line do not crossBINAWIAN ng buhay ang hepe ng Cabanglasan Municipal Police Station at ang kanyang deputy makaraan hagisan ng granada ng isang tauhan na nagpositibo sa droga sa Brgy. Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon, dakong 7:20 p.m. nitong Lunes.

Nabatid na bago ang insidente, nagsagawa ng drug test ang pulisya at nagpositibo ang dalawa sa mga pulis na agad dinis-armahan.

Ayon kay Cabanglasan Mayor Reynante Inocando, nasa birthday celebration ng kasamahang pulis ang mga kawani ng Cabanglasan Municipal Police Station kasama ang hepe na si Sr. Insp. Crisanto Molina.

Ngunit habang naghahapunan, biglang lumabas si PO1 Gorospe Cairo, isa sa mga pulis na nagpositibo sa droga.

Pagbalik, may dala nang granada si Cairo na inihagis sa nakaupong si Molina. Agad binawian ng buhay ang hepe at namatay rin ang deputy niyang si Insp. Dexter Garcia.

Ayon kay Inocando, ikinagalit ni Cairo ang pagdis-arma sa kanya kasunod ng drug test.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *