Friday , November 15 2024

‘Taklesa’

00 firing line robert roqueHANGGA’T binabatikos si President Aquino ay handa naman umano siyang ipagtanggol ng kanyang bunsong kapatid, ang aktres at TV host na si Kris Aquino.

Tulad ng matalik niyang kaibigan, ang nagbitiw na Philippine National Police Chief, Director General Alan Purisima, nasa sentro ng kontrobersiya ang Pangulo bilang Commander-in-Chief bunga ng pagkasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).

Minasaker ang SAF commandos ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

At bilang tapat na kapatid ay ipinaglalaban siya ni Kris sa mga batikos, kahit na galing ito sa mga kaibigan sa showbiz o kapwa niya celebrity tulad nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Judy Anne Santos.

Bagaman humingi na raw ng paumanhin si Kris at nakasundo na niya ang tatlong nabanggit ay marami pa rin ang kanyang ina-”unfollow” sa social network na Instagram dahil sa pambabatikos kay PNoy, at patuloy rin siyang nagkakaroon ng mga kagalit.

At dahil sa inaasal ni Kris, siya ang binatikos kamakailan ni Jerika Ejercito, ang anak na babae ni President-Mayor Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Nagkomento si Jerika sa Facebook na binu-”bully” raw ni Kris at hinihiya ang kanyang mga panauhin sa programa nito sa TV. Ang pakiramdam daw nito ay may karapatan siyang maging brutal sa katapatan, pero maliwanag na hindi niya kayang tanggapin sa sarili ang katotohanan.

Nag-share rin si Jerika ng link na nagsasabing dinedepensahan daw ni Kris ang kanyang kapatid na parang hindi nauunawaan ang katungkulan ng Pangulo.

Naulat na humingi ng paumanhin si Erap kay Kris dahil sa ginawa ng anak. Inagapan na niya ang sunog hangga’t maliit pa ang usok, upang hindi na ito lumala at maragdagan pa ang kanyang mga kalaban.

Hindi natin dinedepensahan si Kris pero noon pa man ay natural na sa kanya ang sabihin ang kanyang saloobin sa kahit anong isyu at sino man ang kanyang kaharap. Hindi ba ito ang dahilan kaya binansagan siya noon na taklesa?

At ngayon na inuulan ng batikos ang Pangulo, na ang iba ay hinihiling ang kanyang pagbibitiw sa puwesto, natural din na ipaglaban ni Kris ang kanyang nakatatandang kapatid, nang hindi na iniisip kung may punto ba ang mga pumipintas.

Pero ang ilang nakabasa ng komento ni Jerika na lumabas pati na sa mga pahayagan ay may mga puna rin. Nakikita raw nito ang mga kamalian ng iba samantalang nasangkot din naman sa iba’t ibang kontrobersya ang kanyang ama.

Normal lang para kina Kris, Jerika o sa kahit sino sa atin na kumampi sa kaanak o kapamilya na nahaharap sa problema. Pero hindi lang tayo nagkakatulad sa pamamaraan ng pagsasagawa nito.

Ang iba sa atin ay bulag na tatayo at makikipaglaban para ipagtanggol ang ating kaanak samantala mayroon naman diyan na kumampi man, ay marunong kumilala ng pagkakamali na nagawa at gumagawa ng paraan para maidiretso ito kung maaari.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *