Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Tom Cat (Part 11)

00 alyas tomcatNAIPAGPAG NIYA SINA GENERAL PERO HINDI ANG PAG-AALALA SA NAPASLANG NA BUDDY

Pag-ibis niya roon ay walang puknat siyang nagtatakbo. Kinakailangan niyang mailigaw ang dalawang grupo na gustong pumatay sa kanya.

Nagkanlong siya sa Balintawak Market. Makapal ang tao roon. Labas-masok doon ang mga namimili ng gulay, prutas at ng iba’t ibang paninda. Alis at dating sa palengkeng iyon ang mga sasakyan na nagbabagsak ng sari-saring kalakal. Sa bungad niyon ay agad niyang matatanaw ang paparating na mga kalaban. At masundan man siya roon ay hindi karakang makapamamaril dahil maraming inosenteng sibilyan ang madadamay.

Nakalipas ang mahigit isang oras nang walang nakasunod sa kanya sa Balintawak Market. Ipinagpalagay niyang nangaligaw ang mga tauhan ni General Policarpio at ng sindikato. Bahagyang nagluwag-luwag ang dibdib niya. At saka lang nagkapuwang sa gunita niya si Sgt. Ruiz na isa nang malamig na bangkay nang iwan niya sa loob ng inabandonang sasakyan. Napaluha siya sa masamang kapalarang sinapit ng kanyang kaibigan. Napaaga ang kamatayan nito sa matapat na pagtupad sa sinumpaang tungkulin. Ang masakit, mismong mga kabaro pa nila na nasa likong gawain ang kumitil sa buhay nito. Masakit iyon para sa kanya. Tuloy ay nasisi niya ang sarili. Siya kasi ang humimok sa kaibigang pulis na pumaloob sa DEU para magkasama silang dalawa sa iisang departamento. Paano niya ngayon ipaliliwanag iyon sa nanay at tatay nito? A, hindi pa naman siya sanay magsinunga-ling…

Ipinasiya ni Sgt. Tom na ipagpabukas ang pagpunta sa bahay ng nanay at tatay ni Sgt. Ruiz. Nagtuloy muna siya sa isang bus station sa Cubao. Doon siya namalagi sa upuan ng mga pasahero na naghihintay ng oras para sa eskedyul ng biyahe ng bus. Nagkunwari siyang isang biyahero. Noon niya inihanda sa isip ang mga pangungusap na bibitiwan sa mga magulang ng kasamahang pulis.

(Itutuloy)

 

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …