Monday , December 30 2024

Babala: Mag-ingat sa mga nanghaharang na Le Ondell Ent. Sales agents sa mga mall! (Attn: DTI)

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI na po tayong nababalitaan na ganitong malasadong estilo ng pagbebenta sa mga mall ng kung ano-anong klaseng kitchen/appliance items.

Ganito ang modus operandi na ang huling nabiktima ay isang kaanak ng Bulabugin.

Diyan sa CW Home Depot sa kanto ng Macapagal Blvd., at Senator Gil Puyat (Buendia) Extension naganap ang estilong holdap ng mga sales agent ng Le’ Ondell Enterprise.

Ang estilo, haharangin ang prospect (biktima) mag-aabot ng flyer at sasabihing libre iyong item, kunin lang sa office nila.

Dahil naniniwalang libre, pumunta naman ‘yung kaanak natin sa opisinang itinuturo ng sales agent para lamang matuklasan na kukuyugin pala siya roon ng iba pang sales agent at aalukin ng kung ano-anong produkto nila.

‘Yun bang tipong mapapatulala ka na lang at  magiging sunud-sunuran sa kanila, sa kaiisip na… “Nakakahiya naman baka isipin nila wala akong pera kaya ‘yung libreng item lang ang gusto ko.”

Kaya nang hingan ng identification card ‘yung kaanak natin nag-abot naman. Kumbaga naipagkatiwala niya agad ang mga importanteng impormasyon sa buhay niya.

Sumunod na hiningi sa kanya, credit card naman. ‘Yun ibinigay naman niya. Noong nakikita niyang isina-swipe ‘yung card niya, gusto niyang tumutol pero hindi niya masabi.

Parang na-hypnotized nga raw siya!

Hanggang makauwi na siya.

Nang makauwi na, tiningnan niya ‘yung mga napamili niya at ang resibo. Umabot nang mahigit sa P67,000 ‘yung nasa resibo.

Grabe!

Noon niya nakita na ang mga pinagbibibili niya ay mga items na mayroon na siya sa napakamahal na halaga gaya ng induction cooker, cookware set, air fryer, pressure cooker, at television set.

Hindi talaga makapaniwala ‘yung kaanak natin na napabili siya ng mga nasabing items.

Kinabukasan ay bumalik siya. Pero hindi na niya maisoli ang mga item at ang matindi pa nabola at pinapirma pa siya sa amicable settlement.

Ano ba ‘yun?!

Para saan ‘yung amicable settlement?! Parang handang-handa na sila sa gagawin nila kapag nalaman nilang nahimasmasan na ‘yung biktima nila at na-realize na ‘naloko’ siya.

Hanggang ngayon ay nag-iisip pa ‘yung kaanak natin kung ano ang pwede niyang gawin laban sa mga tao o establisyementong gaya nito.

Pero ang BABALA po natin sa ating mga kababayan lalo na ‘yung mga suki ng Bulabugin, mag-ingat po kayo sa mga ganitong transaksiyon sa mga MALL. Marami po ang mga ganyan.

Huwag na huwag po kayong pabibiktima.

‘Yun lang po.

Katarungan kay Mike Belen ng DWEB-FM naigawad na (After five years…)

NANG patawan ng parusang reclusion perpetua (habambuhay na pagkabilanggo) ang media killer ni Mike Belen ng DWEB-FM sa Iriga City, kabilang tayo sa napausal ng dasal.

Sa wakas, isang katoto ang nagawaran ng katarungan sa hatol ni Judge Timothy Panga ng Iriga RTC Branch 60 sa akusadong si Eric Vargas.

Alam nating mayroon din magdurusang asawa, anak, ina, ama at kapatid si Vargas pero hindi naman ‘yun kasalanan ng pamilya ni Belen na halos kalahating dekadang naghintay ng katarungan.

Sana ay maging aral ito sa iba pang insidente ng karahasan o pamamaslang sa hanay ng mga mamamahayag.

Sabi nga, don’t shoot the messengers.

Huwag po kami ang pag-initan ninyo. Naghahatid lang po kami ng mensahe sa sambayanan.

Sa pamilya ni Mike Belen, nagpapasalamat po tayo sa kanila, dahil hindi sila sumuko hangga’t hindi nakakamit ang katarungan.

Sana po ay maging ehemplo kayo sa mga kaanak ng mga mamamahayag na pinaslang sa iba’t ibang pamamaraan dahil sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Ituloy po natin ang paghahangad ng katarungan para sa mga napaslang.

Justice for the victims of media killers!

Papanagutin ang may kasalanan sa Mamasapano Massacre

KAHAPON ng umaga, nagbigay ng pahayag si Mayor Lim sa programa ni Ted Failon, tungkol diyan sa nangyaring massacre sa Maguindanao sa mga pulis. Sabi ni Mayor kahapon ng umaga, sa programa ni Ted Failon, dapat talagang huntingin ‘yang mga sangkot d’yan na MILF at mga lider nito, buhay ng mga pulis ang nawala at dapat na pagbayaran ‘yun, kapag nga raw Moro-Moro ang usapan, talagang lokohan na ‘yun. Kaya patunay lang na wala talagang kuwenta ang rehimen na ito, dahil sa mga nailagay na lider pahamak sa bayan! Ganyan talaga ang mangyayari kapag ang lider ay mayabang at umaayuda sa mga satanas na lider din, nawawala na ‘yung karunungan. Kaya kawawa talaga itong bansa natin, dahil puro sakim at wala talagang malasakit sa mamamayan itong mga hayup na lider na panay kahayupan lang ang alam na gawin!Kaya malaking kawalan talaga pag wala si mayor lim sa gobyerno!! Katropa Donald ng Tondo #+63919665 – – – –

Anak na-overdose sa anesthesia

GOOD pm po, nabasa ko po ang colum nio kaya ko nakuha ang no. nio hingi po sana ako ng tulong nio, may anak ako na-overdose anesthesia d pa nadesisyonan ng korte 199 pa po, ano dapat ko gawin? Tnks #+63939772 – – – – (Email po ninyo ang detail)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *