Thursday , December 26 2024

Walang bago sa patalastas ni P-Noy

CRIME BUSTER LOGOSA public announcement noong  Biyernes ng gabi ni Pangulong Benigno “Aquino III sinabi niyang tinanggap na niya ang immediate resignation ng kanyang kaibigan na si suspended PNP chief director general Allan Purisima.

Sa pagharap ng pangulo sa taong bayan, isa ako sa hindi nasiyahan sa kanyang paliwanag. Supot na naman kasi ang kanyang paliwanag at parang pilit na ipinakikita niyang siya ay barako.

Ang patalastas ng pangulo ay nakatuon sa kanyang kaibigan. Ipinagyabang pa niya na tunay niyang kasama si Purisima at naging bahagi ng tagapagligtas ng kanyang buhay sa panahon ng coup ‘d etat.

Iniiwas rin niya sa usapan ang kanyang kaibigan na wala umanong alam sa Mamasapano terrorist operations na ikinamatay ng 44 miyembro ng elite PNP-Special Action Force.

Hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa ng liwanag at hustisya ang mga naulila ng mga pinagpapatay na PNP-SAF na isinubo para pasukin ang kuta ng MILF at BIFF.

Blood is blood

MARAMI ang nahihiwagaan kung ano ang lihim na matatagpuan sa bulwagan ng konseho ng Sangguniang Panglungsod sa Pasay City na nasa ikaapat na palapag ng gusali ng city hall.

Isa raw iyan sa katanungan na dapat malaman ng mga botante at residente sa lungsod ng Pasay.

Sa hindi nakaaalam at sa hindi pa nakatatapak sa loob ng gusali ng konseho ng Pasay, diyan po matatagpuan ang magigiting at ang mga honorable na elected na konsehal. Sa gusaling iyan sila nagdedebate at minsan ay hindi pa sila magkasundo-sundo sa kanilang pinag-uusapan. Hindi ko na muna i-elaborate.

Dahil papalapit nang papalapit ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa mga politikong nais kumandidato para sa May 2016 local elections, nalaman natin na nauuso na naman sa siyudad ng Pasay ang tinatawag na kamag-anak incorporated.

Ang ganitong sistema ng pamomolitika kahit na sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at probinsiya ay nakikita kapag ang isang kamag-anak ay nasa huling termino na ng kanyang pag-upo sa panunungkulan.

Ang lungsod ng Pasay ay walang pagkakaiba sa Taguig City, Makati City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Maynila at sa Erap country sa San Juan City na nasa bahagi ng eastern part ng Metro Manila. Sa nabanggit kong mga munisipalidad matatanaw ang mga politikong kasama sa kamag-anak incorporated. Ang tamaan huwag aaray.

Anyway, ganyan na talaga ang takbo ng politika sa bansang Pilipinas. Ang power ay inililipat sa asawa, anak, bayaw, kapatid, pinsan o di kaya’y sa apo.

Pagmasdan natin kung ano ang mangyayari sa nalalapit na 2016 local elections sa Pasay.

Sa abot ng aking kaalaman, maaaring magsama sa iisang political party system ang mag-asawang Dr. Lito Roxas at Jennifer Roxas.

Sa kasalukuyan si Ginang Roxas ay incumbent councilor sa 1stdistrict ng Pasay City. Ang dating congressman at dating councilor sa Pasay na si Dr. Roxas ay may planong kumandidato ‘for mayor’ sa Pasay.

Si Lexter “Lex” Ibay ay last termer councilor sa 1st district ng Pasay. Ang plano naman daw ng kampo ni Lex ay isabak sa politika sa Pasay ang kanyang maybahay na si Pat sa iiwanan niyang political position.

Ang natalo na si Ylana Ibay ay planong balikan ang district 2 ng Pasay na first time na-elect na konsehal noong 2010 elections.

Ang plano rin ni Ian Vendivel bago matapos ang kanyang termino sa 2016, aakayin niyang successor sa district 2 ang kanyang maybahay na si Dona.

Ang tanawin sa district 2 ay hindi rin magbabago sa katauhan ng mag-amang Aileen at Rey Padua.

Matatagpuan din sa district 1, ang walang kakupas-kupas na Advincula clan, ang father and son na Richard at Atty. Ed Advincula. Kung aangat ng ibang political position ang nine years-three terms na councilor na si Richard, ang utol niyang si Jomar ang aakayin ng mag-ama para ilaban sa konseho.

Malakas naman ang usap-usapan sa Pasay na ang mister ni Grace Santos na si Tino Santos ang sinasanay niya para isabak sa konseho sa May 2016. Bakit kaya ayaw nilang bumitaw??? Kumusta na kaya ang terminal sa Rotonda-Taft, Pasay???

Sa pagkakaalam ko ang isa sa anak na lalaki ni two times losing mayoral candidate sa Pasay na si Ginang Consuelo “Connie” Dy ay hindi rin mawawala ang pangalan sa listahan ng mga kakandidato para sa konsehal sa Pasay sa 2016 halalan. Ngayon pa lamang ay natatanaw na ng mga botante sa Pasay ang “Blood is Blood.” Ang itinatag na powerful political machineries na “Forever Movement” sa lahat ng barangay sa Pasay na nagsisimula nang gumalaw bilang paghahanda sa 2016.

Malakas daw si Nardo Putik kay RD?

NAGBALIK pala sa Pampanga ang hari ng crooked gambling na color games at dropballs ang gambling maintainer na si alias ‘Nardo Putik’ sa Sitio Casava sa San Matias, Sto. Tomas, Pampanga. Katakot-takot daw ang ipinalatag na mesa ng sugalan ni Nardo Putik sa teritoryo ni Gov. Lilia Pineda. 

Hindi yata alam ng officer-in-charge ng PNP sa Region 3 na nagkalat na sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pampanga ang racket na sugal na color games at dropballs na bukod kay Nardo Putik ang mga kapitalista ay sina Boy Lim, Michael Taba at Normang Topak.

Dapat nang ipasuyod ni Chief Supt. Ronald Santos ang bayan sa Cassava, San Matias sa Sto. Tomas, Pampanga; San Jose, San Fernando, Pampanga; sa Cabalantian, Bacolor, Pampanga at ang nasa Barangay Pirig sa Mexico, Pampanga.

Sa lalawigan ng La Union, dalawang pergalan na ang front ay peryahan ang mini-maintain ni Alex Buda na matatagpuan sa likod ng Chowking sa bayan ng Agoo at sa Naguilan. Naku po!!! May alam kaya si Chief Inspector Ismael Conde Gauna??? 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *