Monday , December 30 2024

SILG Mar Roxas The Real Team Player

00 Bulabugin jerry yap jsyIN FAIRNESS kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, siya ngayon ang hindi maepal na gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

Hindi maepal kasi gawa nang gawa lang. At hindi nangangailangan ng praise release.

Nakikita natin sa kanya ang kaseryosohan na damayan at kalamayin ang pamilya ng mga napaslang na kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), tinatawag ngayong Fallen 44.

Mula sa kanyang pagdalaw sa norte, sa ibang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na naroon ang nakaburol na kabilang sa Fallen 44, hanggang sa Cebu, nakita natin ang pagsisikap na ginagawa ni Mar Roxas para huwag sisihin ng bawat pamilya ang gobyerno.

Kumbaga, ang concern ni Secretary Mar ngayon ay kung paano matitiyak ng pamahalaan na

Mabubuhay nang maayos at hindi mauuwi saw ala ang pangarap ng mga pinaslang na Fallen 44.

Kung ano man ang sinasabi ng mga tao na pagkukulang ni PNoy ay pilit na inaayos at ginagawa ni Mar kung ano ang kanyang kakayahan para mapanatag ang loob ng mga naulila.

At ginagawa niya ito nang tahimik.

At diyan tayo pinabibilib nang husto ni Secretary Mar.

Maraming salamat, Secretary Mar Roxas. Isa kang tunay na lingkod ng bayan sa ginagawa mong ‘yan.

SALUDO ang Bulabugin sa iyo.

Dalawang IOs at tatlong CAs sumabit sa pag-iisyu ng mission order

ANO na kaya ang nangyari sa mga kasong kidnapping, extortion at robbery na inihain laban sa limang (5) operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa isang illegal raid sa isang condominium sa Makati City?

Umaksiyon na ba si Immigration Commissioner Siegfred Mison laban sa pag-abuso nina immigration officers Steve Parcon, Ma. Irene Arsenia Bello, Faizal Macabuat, Eulalio Padua at Emir Anton Borlongan sa paggamit ng Mission Order na espesikpikong nakapangalan sa isang tao pero ginamit nila sa ibang tao?

Pwede na palang ipamalengke ang mission order ni Mison!?

Tinutukoy po natin ang insidente sa The Beacon Towers sa Makati City nitong nakaraang Kapaskuhan.     

Ang subject sa dala nilang Mission Order ay isang Wang Dafeng, 37, pero hindi ito naisilbi sa tamang tao, sa halip ginamit ito sa dalawang Chinese women na kinilalang sina Huang Lei and Danni Lin.

What the fact!?

Sa ulat, si Lin ay may working visa pero si Lei na may 59-day visa ay napaso na at iniutos nang ipa-deport.

Ang nasabing operasyon ay tipped-off daw. Mayroon daw mga illegal Chinese nationals sa nasabing area na sangkot sa online gaming.  

Matapos ang kanilang meeting sa Domino’s Pizza Restaurant sa kanto ng Chino Roces at Herrera streets, nakipag-ugnayan umano ang BI operatives sa Makati police saka sila pumunta sa The Beacon Residences.

Nakausap nila rito ang administrative manager na si Engr. Atienza, na inilinaw sa kanila na ang unit UP107 ay okupado ng isang nag-iisang Pinoy pero nang inspeksiyonin isang Chinese national ang nagbukas ng nasabing unit.

Pero wala rin ang hinahanap nilang Wang Dafeng. Natagpuan sa loob ng condo unit ang 10 laptops saka inaresto na rin ang dalawang Chinese nationals. Dinala sila sa BI Detention Center in Bicutan.

Ang ‘sapantaha’ o ‘haka-haka’ ng Immigration officials, ang nasabing Chinese nationals ay sangkot sa online gaming activity pero hindi pa umano nila nabeberipika dahil ang mga laptop na nakuha ay Chinese characters.

Mantakin ninyo, hindi pa nabeberipika, hinuli at ikinulong agad?!

SONABAGAN!

Wala na bang human rights ang mga dayuhan sa Pinas lalo na kung mga Chinese nationals na naitsutso ng mga ‘asset’ kuno?!

Anyway, mabuti naman at hindi kasing eng-eng ng grupo nina Bellot ‘este Bello ang BI Legal Division kaya agad inirekomenda ni Special Prosecutor Jing Balina ang pagpapalaya kay Lin na inaprubahan naman ni Acting Chief of the Legal Division Cris M. Villalobos.

Sa rekomendasyon ni SP Balina, sinabi niyang walang malinaw na ebidensiya na si Lin ay sangkot sa illegal online gambling activitiy bukod pa na siya mayroong valid work visa, kaya siya ay pinalaya agad.

Ang tanong: ano ang aksiyon ni Mison laban sa mga abusado niyang immigration officers na akala yata ‘e ‘gift check’ ‘yung mission order na pwedeng transferrable?!

Hindi kaya ilang beses nang ginagawa na ang paggamit sa mission order na parang stray bullet sa indiscriminate firing?!

May dalawang issue rin ang nakabalot sa insidenteng ito. Una, matapos isinagawa ang pag-raid ay binalikan daw ang condo unit at ineskoba ang mga gamit sa loob ng condo. Pangalawa, nagkabigayan daw ng P7 milyon kaya nakawala ang subject sa mission order.  

Pinaimbestigahan mo na ba ‘yan Comm. Mison? Sinibak mo na agad ‘yun 3 CA ‘e wala naman talagang accountability ang mga ‘yan! At higit sa lahat  mananatili pa rin ba si Bello sa bureau kapag napatunayan na may pagkakamali siyang nagawa?!

Ano nga ulit ‘yung paboritong linya mo Commissioner Fred, “bad guys out good guys in?”

Pakisagot na nga, Commissioner!

Mga pulis na ‘maniningil’ sa C.M. Recto Divisoria

GANDANG umaga sir at mam ireport q lang itong mga nagsengil d2 sa divisuria c.m recto night market sa alas 7 ng gabe ito ay para dw sa pulis l5 o 20 itong anak ni tisoy nagsingel dn ng 70 ar 80 sa isang gabe 4 ng madaling araw tisoy magbababoy tx ng mga vendors at sana makarating kax mayor erap at maaksyonan dto sa tondo manila #+63910589 – – – –

Naniniwalang minasaker ang PNP-SAF

KA JERRY, wag mo n ipublish ung imbestigasyon patungkol sa kinatkong na allowance ng mga pulis sa papal visit ang tutukan e itong SAF massacre me kwestion sa sinsiridad sa hanay ng MILF patungkol sa BBL tapos n kase un naipamigay n lahat waste of time and money lng yan maliwanag  kasing massacre un kasi nga naka uniporme ung SAF impossible na hindi nakilala ng MILF un.. #+63918622 – – – –

Kotong sa pilang jeep galing sa hindi ibinibigay na sukli ng pasahero

COMPLAIN me lng d2 po a pila ng jeep balut blumentrit 8 pesos ang pasahe nd clan g suskli ng 50 cents. Ganun din po sa pila jn sa divisoria. Sa dami ng nkasahod n palad. E s commuters po din nla kinukuha ang knila bnabyad kc ang pmasahe bmaba na sa knila wla p din pagbabago. Sana po maaksyunan u mga pampsaherong jeep na mga ito e colorum nman ang iba. #+63949343 – – – –

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *