Thursday , December 26 2024

NBI nagbabala sa wanted na si Maria Tuntas

00 parehas jimmyINIREREKLAMO ng isang bilyonaryong negosyante at casino magnet na si James Anthony ang kanyang sekretarya na si Maria Tuntas na nang-estafa ng 50 milyon sa kanya.

Si Maria Tuntas ayon kay James Anthony ay napakaraming boyfriend na Filipino kabilang na umano ang isang taga-Makati na malapit daw kay VP Binay pero hindi ako naniniwala na kukunsintihin ito ni VP Binay.

Palaging ipinagmamalaki ni Maria Tuntas na malapit daw siya kay VP Binay. Name dropper at kung sino-sino ang ginagamit.

Si Maria Tuntas ay gumagamit ng dalawang pangalan at ito ay dapat malaman ng Bureau of Immigration dahil siya ay walang working permit, estafadora at palaging nagsusugal at nanlalalaki.

Sa ngayon ay pinaghahanap na siya ng NBI-Interpol. Nagtataka lang tayo bakit may mga ganitong tao sa ating bansa na gaya ni Maria Tuntas na walang working permit ay hindi mahuli-huli ng Immigration.

Kawawa naman ang bayan natin dahil sa katiwalian ng ilang opisyal ng Immigration.

Ano bang nangyayari sa atin, kaya nagkakaproblema ngayon si James Anthony dahil sa kanyang kabaitan ay niloko siya ni Maria Tuntas na isang estafadora.

Si James Anthony ngayon ay kasalukuyan naninirahan sa Makati at sabi niya I hope this woman will be arrested and deported by the Immigration authorities, she is using two different names, this should be stop immediately.

***

Nagbabala ang NBI sa lahat-lahat ng importers, smugglers, at lahat ng nagpaparating ng mga pekeng kargamento na tinatawag na violation of Intellectual Property Rights na mag-ayos-ayos na dahil huhulihin ng NBI sa pamumuno ni bagong hepe ng IPR na si Atty. Jun Lalucis, Atty. Zaldy Rivera at si Joey Ajero ang mga lalabag dito.

Ayon kay Atty. Lalucis, mabigat na kaso ang kahaharapin nila lalong-lalo ‘yung mga nagpaparating ng produkto na peke na nakalalason at nakasisira sa kalusugan ng tao.

Matatandaan na si Atty. Lalucis at Atty. Rivera, ang nakaresolba ng Atimonan case at talagang puro trabaho ang ginagawa nila ngayon.  

Nagbabala rin sila sa mga taga- Bureau of Customs lalo na sa nakikipagsabwatan sa mga smuggler na nagpaparating ng pekeng kargamento. Pati na rin sa media na mahilig tumongpats sa mga Intsik na nagtitinda ng pekeng produkto.

Atty. Lalucis, unahin mong paimbestigahan ang isang Michael Koa! 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *