Friday , November 15 2024

Mga gago nakapaligid kay P-noy

00 bullseye batuigasMAY posibilidad na mag-resign o mapalayas si Pres. Noynoy Aquino sa puwesto dahil sa sunud-sunod na kapalpakang naganap sa kanyang administrasyon.

Ang isyu sa disbursement acceleration program (DAP) at iba pang anomalya, na ang pinakahuli ay ang pagkakapaslang sa mga tauhan ng Special Action Force (SAF) ng PNP, ay nag-udyok sa mga mamamayan na puwersahan siyang sibakin sa puwesto.

Tanggapin natin ang masaklap na katotohanan na kung hindi sana bobo ang mga nagsisilbing adviser at nangangasiwa ng PR at publicity ng Pangulo ay naihahataid sana nang maayos sa mga mamamayan ang kanyang mga saloobin.

Ang mga damuhong ito ay tiwala na kayang pabanguhin ng mga broadsheet ang pangalan ni P-Noy. Hindi nila alam na halos 30 porsyento lang ng mga mambabasa ang tumatangkilik sa broadsheet samantalang ang 70 porsyento ay tabloid ang binibili para makabasa ng balita.

At batay sa mga nakikita ng lahat, may mga pagkakataon na wala sa lugar ang kanyang sinasabi o ginagawa. Halimbawa na rito ang hindi niya pagsalubong sa pagdating ng mga labi ng mga minasaker na SAF sa Villamor Airbase.

Mantakin ninyong habang nakikipagdalamhati sa mga naulila sina Interior Sec. Mar Roxas, PNP officer-in-charge Dep. Dir. Gen Leonardo Espina at ibang mga opisyal ng gobyerno ay nakuhanan naman ng larawan si P-Noy na nakangiti sa pagdalao sa inagurasyon ng planta ng Mitsubishi Motors sa Laguna.

Imposible namang hindi nalalaman ng mga nakapaligid sa Pangulo na darating sa araw na iyon ang mga labi ng SAF victims na nasawi sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Hindi man lang ba nila sinabi kay P-Noy ang kahalagahan ng kanyang presensya sa mga sandaling iyon?

Napakasakit lalo na sa mga naulila na wala ang Pangulo sa naturang pagsalubong. 

Hindi ba maliwanag na katangahan ito sa parte ng kanyang mga adviser? Nagdudunung-dunungan kasi ang mga tao niya pero bobo naman pagdating sa trabaho, kaya nagkakawindang-windang ang takbo ng Pangulo.

Sa totoo lang, mula nang mapuwesto siyang pangulo na ngayon ay nasa ikalimang taon na, at kahit noong nakaupong presidente ang kanyang yumaong ina na si Tita Cory Aquino, ay lagi nating pinupuri si P-Noy. Pero akalain ninyong kahit isang “thank you” card ay hindi tayo pinadalhan ng kanyang mga alipores. Ganyan kapabaya ang mga damuho.   

At ang lalong nakasisira ay ang pagsuporta ni P-Noy sa mga tao niya na ang kalinisan ay kinukuwestyon ng publiko, tulad ng sinuspindeng PNP chief na si Dir. Gen. Alan Purisima.

Mantakin ninyong nadawit na si Purisima sa sandamakmak na anonalya at iregularidad, at ang pinakahuli ay ang pagpapatakbo raw nito ng pumalpak na SAF operation na ikinasawi ng 44 na commando, pero patuloy siyang sinuportahan ng Pangulo.

In fairness to P-Noy, kapag kaibigan niya ang tao ay hindi niya talaga iniiwan ito. Kaya naman sana ay tamaan ng kaunting konsensya si Purisima kung kaibigan talaga ang turing niya sa Pangulo, magbitiw na siya sa puwesto at huwag na niyang hatakin si P-Noy sa kumunoy.

Tiyak na nagbubunyi ang mga kritiko at kalaban ni P-Noy. Ang mga kagaguhang naganap sa kanyang termino hanggang sa pagkakamasaker ng 44 SAF commandos ay ginagamit nila laban sa Pangulo. Ngayon ay iba’t ibang sektor na ang nananawagan sa kanyang pagbibitiw mula sa mga kalaban sa pulitika, taong-simbahan hanggang sa mga mamamayan.

Kapag minalas-malas ay baka mapatalsik si P-Noy sa puwesto. Sakali namang matapos niya ang termino, mga mare at pare ko, pagbaba niya sa Palasyo sa 2016 ay baka magkasama sila sa kulungan ni dating Pres. Gloria Arroyo.

Manmanan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *