Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estibador inatado ng matansero

Police Line do not crossHALOS maatado ang isang estibador, nang tadtarin ng saksak ng isang matansero dahil sa paghahagis ng tsinelas sa anak ng huli sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Binawian ng buhay habang itinatakbo sa Tondo General Hospital ang biktimang si Rogelio Chiva, 32, estibador, nakatira sa Room 517 ng Bldg. 7, 5/F Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila.

Sumuko sa barangay officials ng Brgy.128, Zone 2, District 1 ang suspek na si Fernando Catilo alyas Vandolf, 49, matansero, nakatira sa Room 524 ng nasabi rin housing building.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, dakong 2:15 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang condo unit nang maisipang hagisan ng tsinelas ang anak ng suspek na si Valdemor.

Nagalit si Valdemor kaya tinungo ang biktima at sinuntok sa mukha hanggang magpambuno ang dalawa.

Sa gitna ng pagpapambuno ay nakitang inatado ng saksak ng suspek ang biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …