Berde ang dugo ni Governor
hataw tabloid
February 7, 2015
Opinion
May ilang dekada na nating kakilala ang gobernador na ito mula sa Central Luzon. Noong ito pa ay alkalde ng isang coastal town sa kanyang probinsiya na pinamumugaran ng maraming NPA.
Sangkaterba ang mga armadong bodyguards ni Gov maliban pa dito ang ilang naka-detailed sa kanyang mga pulis.
After almost 10 years nang pagiging mayor ay tumakbong congressman ang guwapitong alkalde at pinalad namang nanalo.
After another 3 terms as congressman, muling tumakbo sa pulitika si Gov this time bilang bise-gobernador. And again, no sweat, landslide ang panalo nito. And again, nang magdesisyong tumakbo bilang gobernador, milya-milya ang inilamang nito sa kanyang kalaban.
Sa loob ng napakahabang panahon, walang sino man ang naghinala, maging ang inyong lingkod na berde pala ang kulay ng dugo ng simpatikong pulitiko.
Sa likod pala ng kanyang pagiging soft-spoken ay may itinatagong lambot ang kanyang puso lalo na sa mga Adonis.
Nang maging bise gobernador nito ang isang laos ng character actor na nagtampisaw din sa mga roles na bold, nag-umpisa na ring mapansin ng mga empleyado sa Kapitolyo ang kembot sa mga puwitan ni Gov habang naglalakad.
Naglalagkitan na rin ang pilik-mata at kilay ng gobernador.Naging mapungay na rin ang kanyang mga mata…as in tantalizing eyes.
Patilamsik na rin ang kumpas ng mga daliri nito. Kung dati-rati ay hindi umaabot ng 7PM ang meeting nito sa kanyang opisina sa Kapitolyo kasama ang kanyang bise gobernador, ngayon ay inaabot na raw ng madaling- araw.
At ang siste, pinalalabas ni Gov lahat ng tao sa kanyang opisina at tanging sila na lamang ni bise gobernador ang nagpupulong.
Nagpupulong nga lamang kaya o nagpupupugan hehehe….
Ngayon nga ay balitang-balita na magpapakamatay si Governor kapag hindi nanalo bilang kapalit niya sa poder ang iniirog na bise gobernador.
Ang problema, ibang pulitiko ang napipisil ng partido ni Gov para ipalit sa kanya at ito ang naging rason kung bakit nagmamaktol si Governor at nagtatataray laban sa kanyang mga partymates.
Clue: Miyembro si Gov at ang kanyang lovey vice governor ng isang maimpluwensiyang political party.
Head over heals daw na in love si gov kay machong vice governor to the extent na hindi na nito inuuwian ang may bahay na isa ring pulitiko.
Hindi ‘bakla’ itong si governor kundi isang certified ‘silahista’. May mga anak din ito ngunit nang tumanda ay mas ginustong mag-lolipop kesa kumain ng monay!
Chickboy in short itong si governor na berde ang kulay ng dugo…
Puwede sa chicks, puwede sa boy hehehe!
Rosenians nagdaos ng Sikhayan Festival
Katulad ng mga nauna nang panawagan ni Mayor Arlene B. Arcillas, muli niyang hiningi ang partisipasyon ng mamamayan sa idinaos na ika-16 na Sikhayan Festival ngayong araw, Enero 25, 2015.
“Patuloy po tayo na magsikhay, patuloy na magtulungan para sa mas maganda pa, mas maayos at mas maunlad pang Lungsod ng Santa Rosa,” ani ng Punong lungsod.
Pinasalamatan niya ang mga naunang Rosenian na nagtaguyod sa Santa Rosa buhat ng ito ay maitatag bilang isang hiwalay na bayan 223 taon na ang nakalilipas. Ang pagdiriwang ng Sikhayan ay kaalinsabay ng selebrasyon ng pagkakakatag ng Santa Rosa noong taong 1792.
Kanya ring inalala at pinasalamatan ang kanyang yumaong ama, si Mayor Leon C. Arcillas, sapagkat siya ang nagsulong upang maging isang lungsod ang Santa Rosa na naganap nga noong 2004.
Ito ang nagging buod ng panayam ng TARGET ON AIR sa butihing alkalde.
Naging tema ng Sikhayan sa taong ito ay “16 na Taon Kahapon at Ngayon sa Isang Panahon.”
Ang Sikhayan, na hango sa salitang Sikap Kabuhayan, ay isang taunang gawain upang ipagdiwang at purihin ang pagsisikhay o pagsisikap ng mga Rosenian sa loob ng maraming dekada. Pagpupugay ito sa mga kontribusyon ng mamamayan mula sa lahat ng sektor tulad ng magsasaka, mangingisda, manggagawa at mamumuhunan sa patuloy na pag-unlad nito.
Pakikiisa ng lahat
Nakilala si Mayor Arlene sa kanyang istilo ng pamamahala ang “participatory governance” – na kanyang pinasimulan noong siya ay unang mahalal bilang Mayor noong taong 2007. Ito ay sapagkat naniniwala siya na ang pinakamahalagang elemento ng epektibong pamamahala ay ang tiwala at pakiki-isa ng mamamayan sa pamahalaan.
Bilang patunay na nakiki-isa ang mamamayan, maraming mungkahi na ang naisabatas matapos na ito ay sumailalim sa pampublikong pagdinig na dinaluhan ng mga taong maaapektuhan at makikinabang sa batas na ito sapagkat sila rin, ayon kay Mayor Arlene, ay kasamang magpapatupad nito. Gayundin sa maraming programa at proyektong ipinatutupad ng pamahalaang lungsod.
Kaya naman sa pagkakataon na ang lungsod ay tatanggap ng pagkilala, ito rin ay tinatanggap at iniaalay ni Mayor Arlene para rin sa taumbayan.
Minsan na niyang sinabi na kung anuman ang kanyang tinatanggap na pagkilala ay ibinabahagi at inia-alay sa mamamayan sapagkat kundi sa kanilang suporta at pakiki-isa ay hindi magiging matagumpay ang anumang plano at programang kanyang ihahain.
Tulad ng nakaraan, ang pagdiriwang ay pinasimulan sa pamamagitan ng parada na nilahukan ng lahat ng sektor habang ang street dancing naman ay kinatampukan ng mga mag-aaral. Para sa taong ito, siyam na pampublikong paaralang elementarya ang naging kalahok. Kabilang dito ang Caingin Elementary School, Dila Elementary School, Sinalhan Elementary School, Aplaya Elementary School, Balibago Elementary School, Macabling Elementary School, at Santa Rosa Elementary School Central I, Central II at Central III. Tampok nila ang iba’t ibang piyesta ng patron sa barangay kung saan matatagpuan ang kanilang paaralan.
Ang mga nagwagi sa patimpalak ay ang mga sumusunod: Santa Rosa Elementary School Central III (4th place), Santa Rosa Elementary School Central II (3rd place), Macabling Elementary School (2nd place), Santa Rosa Elementary School Central I (1st place). Ang Sinalhan Elementary School ang hinirang na champion.
Naki-isa sa pagdiriwang sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Karen Agapay, Laguna 1st District Representative Dan Fernandez, Vice Mayor Arnel DC Gomez at ang buong Sangguniang Panglungsod, mga pinuno ng bawat tanggapan at mga kawani, mga opisyal ng barangay at kawani, mga non-government organizations, home owners association at mga kinatawan mula sa pribadong sektor.
Ibang klase talagang local executive si Mayora Arlene. Hands on ito sa lahat ng mga gawain ng siyudad.
Isang certified ‘workaholic! Mabuhay ka MAYORA!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]