Sunday , November 17 2024

Resign Pnoy agad-agad?!

pnoyHINDI pa man natatapos ang sandamakmak na imbestigasyon sa ‘Operation Wolverine’ na nag-anak ng Fallen 44 sa hanay ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), mayroon agad ilang grupo na nag-uudyok para MAGBITIW ang Pangulo.

Tayo man ay naghahangad ng kalinawan sa insidente at katarungan para sa magigiting nating kagawad ng PNP-SAF kaya sa ganang atin ay mas hangad natin na matapos ang imbestigasyon sa ‘Operation Wolverine’ hindi para magamit sa pamomolitika ng ilang grupo kundi para maging aral sa ating lahat lalo sa mga namumuno sa ating bansa.

Ngayon, kung pagkatapos ng imbestigasyon ay lumabas na mayroong dapat papanagutin, sasama tayo d’yan sa panawagan na papanagutin ang dapat managot.

At kung ang pananagutan na ‘yan ay katumbas ng ‘paggulong ng ilang ulo’ at pagbibitiw ng Pa-ngulo, so be it.

Pero kung ngayon iginigiit ang panawagan na PNOY RESIGN aba maghunos-dili po tayo.

Sino ang papalit kay PNoy? Si Vice President Jejomar “Jojo” Binay?!

Utang na loob naman! Ayawan na!

Hindi ba’t hindi pa rin nakaklaro ang mga akusasyon sa kanyang TONGPATS sa Makati at mga yaman?!

Pakiusap lang po, MATUTO na po tayo sa kasaysayan!

                                

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *