Thursday , December 26 2024

Mag-ingat laban sa mga asuwang ng Parañaque Traffic Management Office (PTMO) ni Yorme Olivarez!

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG Bulabog boy po natin ang nagbahagi ng kanyang hindi magandang karanasan sa ‘RAKET’ ng mga kagawad ng Parañaque Traffic Management Office (PTMO) nitong nakaraang gabi lang.

Kaya ipinauuna ko na po sa inyo, mag-ingat ho kayo sa mga ‘ASUWANG’ na kagawad ng PTMO dahil baka mabiktima kayo lalo na riyan sa kanto ng Airport Road at Quirino Tambo.

Ganito raw po ang nangyari.

Pagdating ng Bulabog boy sa nasabing kanto naka-STOP LIGHT (RED). Naturalmente, hihinto siya.

E mayroong isang nagta-traffic sa gitna ng kalsada at pinaabante na siya dahil wala naman sasakyan na sa kabilang lane. ‘E ‘di umabante naman siya, paggulong na paggulong ng kanyang gulong pagkatawid sa Quirino Tambo, biglang may lumundag at humarang na dalawang lalaki sa harap niya mula sa dilim.

Para bang mga asuwang sa pelikula na bigla na lamang nagsulputan!

Nabulaga ‘yung Bulabog boy natin kaya napahinto siya. ‘Yun na, sinisita siya kung bakit umano siya umabante (beating the red light). At itinatanggi pa ng tarantado na kasama nila ‘yung traffic enforcer sa kanto. Wala raw silang kaugnayan doon.

Kinuha ang kanyang lisensiya at nang maramdaman no’ng dalawang asuwang na traffic enforcer ni Mayor Edwin Olivarez na hindi aareglo ‘yung Bulabog boy, e tinuluyan at nilargahan ng tiket.

Sabi nga no’ng Bulabog boy, ano bali?!

Ayon sa ating pagtatanong-tanong, marami nang nabibiktima ang nasabing mga asuwang sa nasabing area lalo na ‘yung PTMO enforcer PAMINTUAN.

Matagal pa umanong makipagnegosasyon si Pamintuan kasi nga raw, ang gusto ay umareglo ‘yung sinisitang motorista.

SONABAGAN!!!

Parañaque Traffic Management Office (PTMO)  chief, TEODORICO BARADO este BARANDINO, ‘yan ba ang turo mo sa mga tauhan mo na magtago sa dilim na parang asuwang!?

Bakit hindi sila nakalantad at mag-traffic sa gitna ng intersection ng Tambo at Airport Road!?

Bakit, may ipinahahabol este hinahabol ba silang quota?

Mayor Edwin ‘political dynasty’ Olivarez, magrekorida ka naman sa gabi, para malaman mo kung ano ang ginagawa ng mga ‘ASUWANG’ mo sa GABI!

O baka naman nariyan ka lang lagi sa loob ng malamig mong opisina?!

‘Di kaya?!

Resign Pnoy agad-agad?!

HINDI pa man natatapos ang sandamakmak na imbestigasyon sa ‘Operation Wolverine’ na nag-anak ng Fallen 44 sa hanay ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), mayroon agad ilang grupo na nag-uudyok para MAGBITIW ang Pangulo.

Tayo man ay naghahangad ng kalinawan sa insidente at katarungan para sa magigiting nating kagawad ng PNP-SAF kaya sa ganang atin ay mas hangad natin na matapos ang imbestigasyon sa ‘Operation Wolverine’ hindi para magamit sa pamomolitika ng ilang grupo kundi para maging aral sa ating lahat lalo sa mga namumuno sa ating bansa.

Ngayon, kung pagkatapos ng imbestigasyon ay lumabas na mayroong dapat papanagutin, sasama tayo d’yan sa panawagan na papanagutin ang dapat managot.

At kung ang pananagutan na ‘yan ay katumbas ng ‘paggulong ng ilang ulo’ at pagbibitiw ng Pa-ngulo, so be it.

Pero kung ngayon iginigiit ang panawagan na PNOY RESIGN aba maghunos-dili po tayo.

Sino ang papalit kay PNoy? Si Vice President Jejomar “Jojo” Binay?!

Utang na loob naman! Ayawan na!

Hindi ba’t hindi pa rin nakaklaro ang mga akusasyon sa kanyang TONGPATS sa Makati at mga yaman?!

Pakiusap lang po, MATUTO na po tayo sa kasaysayan!

BI Comm. Fred Mison ‘gumaganti’ sa dalawang AssCom?

MARAMING nakabisto na kakaiba pala ang estilo ng pamamahala ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison na hinatulan noon ng dishonesty ng Ombudsman, pagdating sa pagtrato sa kanyang mga Associate Commissioner (AssComm).

Nakita umano ito nang pumasok sa Bureau si Atty. Gilbert Repizo na itinalaga bilang bagong Associate Commissioner.

Nitong nakaraang taon kasi, kinontra umano ni AssComm. Repizo na sibakin ni Mison ang hindi kukulangin sa 70 confidential agents (CAs) na halos pitong (7) taon nang naninilbihan sa Bureau.

Pero dahil may puso, tinulungan ni AssComm. Repizo ang mga CAs sa simpleng rason, una, panahon ng Kapaskuhan; ikalawa, mahigit isang taon na nga lamang ang PNoy administration bakit kailangan pang magdagdag ng 70 tao na magagalit sa kanila?!

Ang pangyayaring ito ay ini-report ni AssComm. Repizo sa Malacañang at naging dahilan para padalhan ng memorandum ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., si Commissioner Mison.

Dito umano napikon at nagsimulang tanggalan ng kanilang official function ni Commissioner Mison sina AssComm. Repizo at AssComm. Mangotara.

Hindi raw kasi sila ‘team player.’ Aba’y kahit mali pala kailangan maging team player ka pala kay Mison?

Tsk tsk tsk…what the fact!?

Ibang klase pala ang management style ni Mison… may pagka-dictatorial!? Parang bata na kapag hindi nakuha ang gusto ay nagtra-trantums?!

Mabigat ang deklarasyong ito ni Commissioner Mison. Mukhang patuloy na makakaladkad ang Malacañang dahil sa matigas na deklarasyon ni Mison at paggamit ng ‘carrot and stick’ tactic sa mga associate commissioner na dapat ay katulong niya sa pagsusulong ng mga layunin ni PNoy sa ilalim ng “daang matuwid.”

Ngayon pa na kailangang ipakita ni PNoy na solido ang kanyang administrasyon.

Hindi ba, Commissioner Fred Mison?

Panawagan kay Mayor Olivarez

KA JERRY, kalampagin pa ho ninyo si Mayor Olivarez. Hindi pa rin naaaspalto ang Sucat Road sa Multinational Village. Hindi ba cya dumadaan dyan? Ang bagal naman n’yang magtrabaho! +639184022 – – – –

Nagkasakit sa Club Princesa sa Baclaran

GUD pm sir Jerry, paki-expose Club Princesa sa Baclaran. Nag-good time kami barkada ko tapos inalok kami ng manager ng gimik sa ka-table ko sa isang VIP room. After 3 days may tulo na ho ako. Gus2 ko lang ho malaman ng mga tao para makaiwas cla sa club na ‘yan. +639188839 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *