BAHALA na po kayo kung gusto n’yong pagtawanan, kahit hindi naman nakatatawa, ang hirit ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganba-yan na payagan daw siyang makalabas ng kulungan upang maka-dalo sa idaraos na pagdinig ng Senado sa February 9 hinggil sa madugong enkuwentro na naganap sa Mamasapano.
Ayon sa kenkoy na senador, tapos na raw ang preventive suspensiyon na ipinataw sa kanya ng Senado kaya dapat daw siyang payagang makalabas para gampanan ang kanyang obligasyon bilang senador.
Wala akong natatandaan, ni minsan, kahit nahalal pang senador, hindi nagtangkang gumimik ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV, para payagan siyang makadalo sa mga session ng Senado noong siya’y nakakulong pa kahit ‘di hamak na marangal ang kanyang kinasangkutan kaso ng kudeta, kompara sa pandarambong na nagsadlak kay Jinggoy sa kulungan sa ikalawang pagkakataon.
Ang tapang naman yata ng apog ni Jinggoy para humirit na palabasin siya, gayong nakabilanggo siya dahil sa karumal-dumal at kahiya-hiyang kaso ng pandarambong sa salapi ng ba-yan.
Ibig palabasin ni Jinggoy na napaka-importante niyang tao, at hindi puwedeng matuloy ang imbestigasyon kung wala siya sa gagawing pagdinig ng Senado kaugnay ng madugong masaker sa Mamasapano. He, he, he!
Baka sakaling matuwa ang mamamayan at payagan siya ng Sandiganbayan kung ang la-yon ng kanyang hirit ay pupunta siyang mag-isa sa Mamasapano na may bitbit na armalite upang tugisin ang mga teroristang bandido na walang-awang pumaslang sa SAF 44.
At least, consistent sa “all-out-war” na ide-yang nalalaman at ipinangangalandakan ng tatay niyang ousted president at convicted plunderer kapag si Jinggoy ang unang isasabak laban sa MILF, BIFF at iba pang grupo ng mga bandidong terorista sa Mindanao.
Palibhasa nga, walang anak o malapit na kamag-anak si Erap na pulis o sundalong sumasabak sa panganib kaya simple lang para sa kanya ang all-out-war bilang solusyon kahit madamay pati ang mas nakararaming nananahimik na mamamayan sa Mindanao, tulad ng ginawa niya bago mapatalsik na pangulo sa Malacañang.
‘Pag ‘yan ang rason ni Jinggoy, magiging bayani siya at tiyak na walang tututol na palabasin siya, kahit isang linggo pa, para ipaghiganti ang SAF 44.
Dugo ng SAF 44 sa kamay nina Ochoa at Purisima