Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ernesto S. Roxas, horse trainer; Check point sa Lungsod ng Manila

00 dead heatNASA MABABANG PAARALAN pa lang si Mr. Ernesto “Boy Gare” Roxas, pangarap na niyang maging isang professional horse trainer. Lumaki si Mang Boy Gare malapit sa karerahan ng lumang Santa Ana Park sa Makati. Noong bata pa siya , pumasok siya sa kuwadra nina Mr. Perfecto Hernandez at Manoling Layug bilang isang sota o nag-aalaga ng mga pangarerang kabayo.

Natutunan niya rito kung paano alagaan at ensayuhin ang mga pangarerang kabayo. Taong 1994 nang kumuha siya ng lisensiya para maging isang professional na horse trainer.

Sa tulong nina dating PHILRACOM Chairman Avelino at Mr. Eugene Tan, isang sikat na horse owner ay madali siyang nakakuha ng lisensiya para maging isang professional horse trainer.

Madaling araw pa lang, makikita na sa loob ng karerahan si Mang Boy Gare upang ipaensayo ang mga tatlumpong (30) pangarerang kabayo. Araw-araw niya itong ginagawa at halos tanghali na siya kung umuwi ng bahay.

Sa mga alaga niyang kabayo, ang Patty’s Heart ang kauna-unahan niyang ipinanalo sa aktuwal ng karera. Dehado raw ito at tuwang-tuwa ang mga tumama rito, lalo na siya. Hindi raw niya malaman ang gagawin sa unang panalo na iyon dahil sa laking tuwa.

Sa panahong ito, kilalang-kilala na ang pangalan “Boy Gara” sa loob ng dalawang karerahan dahil marami na ang ipinanalo niyang mga pangarerang kabayo. Isa rito ang Empire King, na pag-aari ni David Dee, na nagtamo ng maraming karangalan sa ilalim ng pangangalaga ni Boy Gare. Gayundin ang mga kabayo ni G. Eugene Tan, na siya ang nag-aalaga sa ngayon.

Isa siya sa mga naging nominee para sa Horse Trainer of the Year ng Philippine Sports Association sa taong 2007.

“Ang maging isang horse trainer ay hindi gawang biro, kailangan ang tibay ng loob, sipag at disiplina sa katawan.

Napagtapos ko ang aking dalawang anak na sina Julius at Hanna dahil sa pagiging horse trainer ko. Maraming salamat sa lahat na nagtiwala sa akin,” pagwawakas ni G. Ernesto Roxas.

oOo

Maraming mananaya ang nagtatanong kung ano raw ba ang nangyari sa kabayong Spring Collection na sakay ni class A jockey na si Jesse B. Guce?

Outstanding favorite ito sa betting at halos walang nakadikit sa sales na mga kalaban nito sa sinalihang karera noong Miyerkoles sa pista ng Metro Turf.

Nang largahan ang karerang yun ay nakita ng mga mananaya na parang TULOG na TUMATAKBO si Spring Collection at unti-unti itong iniwanan ng mga kalaban.

Paano raw nakakalusot sa mga veterinarian ng karerahan ang mga kabayong tumatakbo na may diperensiya.

KAWAWA ANG MANANAYA NA TUMATAYA SA kabAYONG PABORITO NA MAY DIPERENSIYA!

oOo

ANO BA TALAGA ang gustong palabasin ng mga “CHECK POINT” na ginawa sa hapon o sa gabi ng mga Manila Police District?

Karamihan na nakatalaga dito sa mga “CHECK POINT” ay mga baguhang pulis o yung mga “PO1” na walang respeto kung MANITA sa mga MOTORISTA.

Ano ba dapat ang sinisita nila, ”RIDING IN TANDEM” na madalas gumawa ng krimen o yun nagpapatakbo ng motorsiklo na walang angkas o “backrider.”

Pag pinahinto ka at lalapitan ka agad ni “PO1” ay sasabihin sa iyo “LISENSIYA MO! Pasigaw ito at walang galang kung manita ang mga pulis na ito.

O, yung mga sinisita na mga naka-motorsiklo ng mga pulis… ingat kayo dahil hindi lahat ay tunay na ‘CHECK POINT!”

“HULIDAP!”

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …