Kinalap Tracy Cabrera
NGAYON taon ay nakahandang magwagi muli si 2013 Ronda Pilipinas champion Mark Galedo sa pagkakataya ng kabuuang 88 slot, kabilang ang walo para sa mga junior rider, sa pagtatanghal ng dalawang yugto para sa qualifying round sa Visayas simula Pebrero 11 hanggang 13 at Luzon sa Pebrero 16 hanggang 17.
Ayon kay Jack Yabut, Ronda administration director, pag-agawan ang 54 slot sa three-stage Visayas qua-lifier habang 34 naman ang paglalabanan sa dalawang yugto sa Luzon eliminations.
“Dahil sa hindi natuloy ang qualifying leg sa Mindanao, nagdesisyon kaming magdagdag ng mga slot mula sa 30 sa mahigit 50 bukod sa apat na top junior rider,” ani Yabut.
Idinagdag pa nito na kukuha sila sa Luzon ng 30 elite rider at apat na juniors.
Magsisimula ang Visayas Stage 1 sa Negros Oriental provincial capitol na magwawakas sa Sipalay City Plaza para kompletohin ang 172.7 kilometro para sa elite at 120.2 kilometro para sa juniors. Susundan ito ng Stage 2 na uumpisahan naman sa Bacolod City Plaza at magwawakas sa Bacolod Government Center via Don Salvador Benedicto at San Carlos (158 km para sa elite at 110.5 para sa juniors).
Pupuntahan naman ng Ronda ang Luzon qualifier para sa 138.9 kilometrong Tarlac-Tarlav Stage 1 at 102.5 kilometrong Antipolo-Antipolo Stage 2 sa dalawang magkasunod na araw.
Ang mga siklistang makapagtatapos sa qualifying stages ay mapapasama sa kampeon ng nakaraang taon na si Reimon Lapaza ng Butuan at ang 9-na-kataong national team na pinangungunahan ni Galedo at gayun din ang European composite team na lalahok sachampionships sa Pebrero 22 hanggang 27 sa Luzon.