Na2ginip p0h ak0 n bumagsak p0h ung er0plan0 s isng bahay’, pr0 wla nman poh nmatay an0 p0h b ibig svhn nun? Jane p0h e2, salamat p0h and g0d bless u’.. (09487633944)
To Jane,
Kapag nanaginip ng ukol sa eroplano, ito ay may kaugnayan sa pagkagapi o pag-overcome ng mga balakid sa buhay at pag-angat sa bagong level ng prominence at status. Bunsod nito, ikaw ay posibleng makaranas ng mas mataas na consciousness, new-found freedom at greater awareness. Maaari rin naman na ito ay isang pahiwatig na kailangan kang magkaroon o makakuha ng better perspective or wider view sa isang bagay. Posible rin na nagpapahiwatig ito sa iyo ng panimula o pag-arangkada ng isang idea o plano. Sa kabilang banda, ito ay maaari rin namang nagre- represent ng pangangailangang makalayo at makatakas sa pang-araw-araw na routine o takbo ng iyong buhay. Dapat ka rin mag-ingat sa mga taong posibleng mainggit sa mga mabubuting kapalarang dumarating sa iyo.
Ang bahay naman sa panaginip ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, at etc. Sa kabuuan ang panaginip mo ay may kaugnayan sa iyong kasintahan o asawa at sa iyong unconscious feelings sa kanya. Maaari rin na ang iyong panaginip ay may kaugnayan sa kagustuhang mag-focus sa ilang nakatagong elemento na iniiwasan mo o hindi mo hinaharap sa estadong ikaw ay gising.
Señor H.