Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Tom Cat (Part 6)

00 alyas tomcatBILIB ANG KA-BUDDY NI SGT. TOM SA KANYA PERO ‘DI SI MISIS LALO NA NGAYONG MADEDEMOLIS PA SILA

‘Wag kang mag-alala, Bro… Kung saka-sakali naman, e may medalya ka na, ipagagawa pa kita ng monumento!” tawa niya sa pagbibiro.

“Utot mo!” pakikitawa sa kanya ng kaibi-gang pulis.

Kumbaga sa pelikula, ang papel ng isang Sgt. Tom sa istorya ay pambida. Ang masaklap, sa tunay na buhay ay hindi sumasaludo sa kanya ang asawang si Nerissa. Wala kasi siyang maipagmamalaking mga akomplisment sa loob ng kanilang tahanan. Patay-sindi ang de-tubo nilang TV. Ang kanilang segunda-manong ref ay ‘di lumalamig. Butas-butas ang bubong ng kanilang bahay. At higit sa lahat, tulad ng mga kapitbahayan nila ay iskwater pa rin sila sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Hindi nila mapatituluhan ang inookupahan nilang malaiit na parte ng lote dahil isang pribadong kompanya ang umaangkin niyon.

“O, basahin mo…” ingos kay Sgt. Tom ni Nerissa na nag-abot ng isang sulat.

“A-ano ‘to?” tanong niya.

“Basahin mo… Marunong ka namang bumasa, di ba?” ang paangil na sagot ng asawa niya.

Agad niyang binasa ang limang-pahinang dokumento. Nakasaad doon na sa ikalawang buwan ng taong kasalukuyan ay magsasagawa ng demolisyon ang sheriff ng lungsod sa kanilang lugar. Batay na rin iyon sa desisyon ng korte na pumabor sa kahilingan ng legal na may-ari ng lupang kinatatayuan ng kanilang tirahan at ng iba pang bahayan doon.

“Paano ngayon tayo, Tomas? Saang lupalop kaya tayo pupulutin ‘pag na-demolish tayo rito?” sabi ng kanyang misis, sarkastikong tono.

“Ikaw, saan mo gusto? Sa Magallanes Village? Dasmariñas? O sa Bonifacio Global City?” aniyang walang kagatol-gatol.

“Nakukuha mo pang magpatawa… Aba, Tomas, kultado na’ng utak ko sa problema, ha? “ singhal ni Nerissa sa pamamaywang.

Nanahimik si Sgt. Tom . Sa isip niya, kung sakaling made-demolish ang bahay nila ay mangungupahan na lang sila ng tirahan.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …