Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Semis ng D League ikinakasa na

020415 PBA D League

MAGSISIMULA na bukas ang best-of-three semifinals ng PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Lungsod Pasig.

Unang maghaharap sa alas-dos ng hapon ang Hapee Toothpaste at Cafe France samantalang magsasalpukan ang Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier sa alas-kuwatro.

Tinalo ng Bakers ang Bread Story-Lyceum, 81-68 samantalang binura ng Gems ang twice-to-beat na bentahe ng Jumbo Plastic upang maiposte ang 85-81 na panalo sa quarterfinals noong Lunes.

Naunang nakapasok ang Rising Suns at Fresh Fighters sa semis pagkatapos na silang dalawa ang manguna sa eliminations.

Katunayan, winalis ng Cagayan ang lahat ng 11 nitong laro sa elims sa pangunguna nina Moala Tautuaa at Abel Galliguez.

Samantala, sinabi ng head coach ng Bread Story na si Bonnie Tan na hindi na magiging school-based team ang Smashing Bakers simula sa susunod na torneo ng D League. (James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …