MAKAKASAMA ni Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang international junior tennis tournament na pararangalan ng Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night sa Pebrero 16.
Ilalagay sa Hall of Fame si Torre na naging inspirasyon ng mga batang woodpushers sa bansa at ang Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships.
Umatras sa taong ito ang car manufacturing company sa torneo para sumuporta naman sa ibang sport.
Nakasali ang mga bigating netters na sina dating world’s No. 1 Andy Roddick at Lleyton Hewitt sa nasabing taunang torneo.
Bukod kay Olympiad veteran Torre at ng Mitsubishi tournament ang ibang kikilalanin sa PSA Hall of Fame ay sina bowlers Paeng Nepomuceno at Bong Coo, boxing icon Manny Pacquiao, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro boxers Pancho Villa at Gabriel Elorde, Sr., amateur boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr., track stars Lydia de Vega-Mercado at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon at golfers Ben Arda at Celestino Tugot.
Ang HoF award ang pinakabagong nasama sa talaan ng mga kikilalanin sa PSA Awards Night na suportado ng Smart, MVP Sports Foundation, Meralco at Philippine Sports Commission.
Naispatan naman ang 1973 Philippine men’s basketball team para sa Lifetime Achievement Award, Tim Cone sa Excellence in Basketball, Alyssa Valdez sa Ms. Volleyball, Jean Pierre Sabido sa Mr. Taekwondo at Princess Superal at Tony Lascuna sa Golfers of the Year.
Ang PSA Annual Awards Night ay hatid ng MILO at San Miguel Corp. (ARABELA PRINCESS DAWA)