Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi ako magpapapogi — Pena

ni James Ty III

020415 dorian Peña ginebra

SINIGURADO ng beteranong sentro na si Dorian Pena na magiging seryoso siya sa kanyang bagong koponang Barangay Ginebra San Miguel.

Nakuha ng Kings si Pena mula sa Barako Bull sa isang three-way trade kung saan napunta si Jay-R Reyes sa San Miguel Beer habang si Justin Chua naman ay nalipat sa Energy.

Ang trade na ito ay pinag-aaralan pa ni PBA Commissioner Chito Salud habang sinusulat ang balitang ito.

“I will not be papogi,” pahayag ni Pena sa panayam ng www.spin.ph. “I am gonna win games. I am going to sacrifice my body out there to win. “Please tell Ginebra fans that I am gonna play hard for them as I can.”

Nagsimula si Pena sa PBA noong 2001 para sa San Miguel Beer at naglaro rin siya sa Air21 at Barako Bull.

Bago siya naglaro sa PBA ay lumarga si Pena sa Metropolitan Basketball Association para sa Negros Slashers at Pasig Rizal Pirates.

Sa US NCAA ay naglaro si Pena para sa Coppin State sa New Jersey kasama si Rafi Reavis ng Purefoods Star Hotdog.

Samantala, napili ng PBA Press Corps si Chico Lanete ng Barako Bull bilang unang Player of the Week ngayong Commissioner’s Cup pagkatapos na gabayan niya ang Energy sa dalawang sunod na panalo kontra Blackwater at Ginebra.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …