Thursday , December 26 2024

Good Riddance Comelec ‘3M Division’ (I-Lifestyle check na ‘yang mga ‘yan!)

00 Bulabugin jerry yap jsyPARANG biglang nabunutan ng tinik ang mga taga-Commission on Elections (COMELEC) nang magretiro ang chairman at dalawang commissioner kamakalawa.

Talagang parang nagpipiyesta ang mga empleyado?!

Ibig sabihin talagang walang natutuwa sa iyo d’yan Sixtong ‘este’ Sixto Brilliantes.

‘Yang dalawang kasama mo lang na nagretiro na rin ang natutuwa lang ‘ata sa iyo!

Sabi nga ng mga empleyado, pati sila nadadamay sa katakot-takot na kontrobersiyang kinasangkutan ng mga ‘bossing’ nila. ‘Yun bang tipong kung ano ang ginagawa ng 3 Million Division ay ginagawa rin ng lahat ng mga taga-Comelec.

Hindi ba’t sa ilalim ng administrasyon ng kareretirong chairman na si Sixtong este Sixto Brillantes pumutok ang eskandalo ng 3M Division?

Ito ‘yung hinihingan ng mga nagpapakilalang ‘kasador’ nila ng P3 milyones ang mga people’s organization na gustong makilahok sa party-list system.

Kaladkad ang pangalan ni Sixto rito kasama sina Commissioners (nagretiro na rin) Lucenito ‘Sugpo’ Tagle at Elias Yusoph.

Ang matindi, humirit pa ng ‘pabaon’ si Sixtong nang pirmahan ang ‘midnight deal’ sa kompanyang SMARTMATIC para muling hawakan ang eleksiyon sa 2016.

Kundi ba naman, saksakan nang walanghiya talaga! Kakaiba ka talaga, retired Chairman Sixtong este Sixto Brillantes!

Para kang hindi natatakot sa KARMA.

Hayun, sapol agad! Inabsuwelto ng Pasay City regional trial court (RTC) ang dalawang kasong pandaraya sa halalan na isinampa niya laban kay dating Chairman Benjamin Abalos, Sr.

Nasupalpal ka riyan Sixtong este Sixto!

Hindi n’yo nga iniresolba ‘yung reklamo ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) na ‘pangingikil’ ng P3-milyon ng isang tauhan ninyo na uma-ming staff siya sa tanggapan ni Yusoph.

‘Yung lunch date nina Yusoph at Sugpo ‘este Tagle kay dating Speaker Arnulfo Fuentebella sa Diamond Hotel na pagkatapos ng tanghalian ay pinabaunan sila ng maliit na ‘paper bag’ na ang laman umano ay pili nut.

Pili nuts ng – – – n’yo!!!

Ilan lang ‘yan sa mga kawalanghiyaan ng 3M Division na tayo lang ang may lakas ng loob na ilabas.

‘E paano ‘yung mga hiningan at nagbigay na hindi nabuyangyang sa publiko?!

Para sa ‘kapakanan’ ng tatlong retiradong Comelec official na ‘yan, palagay natin ‘e kailangan nilang isumite ang mga sarili nila sa “LIFESTYLE CHECK.”

‘Yan ‘e kung talagang gusto nilang magretiro na panatag ang kanilang mga kalooban.

‘E kung hindi naman sila magsusumite sa lifestyle check, ‘e tatawagan na natin ng pansin ang  Commission on Audit at Civil Service Commission, kung sino man ang papalit sa mga nagretirong chairpersons Grace Pulido-Tan at Francisco Duque III.

Paging Ombudsman Conchita Morales-Carpio at Internal Revenue Commissioner Kim Henares — busisiin ang 3M Division!

‘Butaw’ ng illegal terminal at vendors para kay alias “ulo” ng QC City Hall

Grabe as in grabe na talaga ang problema sa trapiko lalo na kung ‘rush hour’ d’yan sa kanto ng Kalayaan St. at Elliptical Circle QC dahil naghambalang ang mga illegal terminal ng mga dyip at mga sidewalk vendor na parang kabuteng nakapulutong sa bangketa sa bahagi ng NHA.

Ayon sa ilang bulabog boys na nakausap ng mga vendor dito P70 kada araw ang tong na pilit na hinihingi sa kanila para makapagbenta ng mga kalakal nila sa bangketa.

Ang gusto pa nga raw ng mga bugok sa QC hall ay gawin P150.00 ito kada araw pero pumalag sila dahil masyado nang mabigat sa kanilang hanapbuhay.

Ang illegal terminal naman ng dyip na nasa harapan ng NHA ang isa sa mga problema ng traffic dito. Lalo na kung nagbalagbagan at kumukuha na ng mga pasahero ang mga dambuhalang bus papuntang Fairview.

QC Mayor Bistek, kitang-kita ang illegal terminal na nasa tapat ng NHA hanggang sa kanto ng Maharlika St., na biyaheng Tandang Sora, Fairview at paglampas naman ng Maharlika St., sa tapat  ng pader ng National Labor Commission ilang metro bago lumiko sa PHILCOA ay nakabalandra  naman ang mga biyaheng Jordan Plains etc.

Ang ipinagtataka ng mga motorista, sandamakmak naman ang mga tauhan ni retired general at hepe ng DPOS ELMO SANTIAGO pero DEDMA lang sila sa mga illegal terminal sa harap nila?! May diperensiya ba ang mata ng mga bata mo Ka Elmo!?

Bakit hindi nila ito alisin para luminis at hindi makaabala sa ibang sasakyang dumaraan dito?

Mayor Bistek, hindi mo rin ba nakikita na mismong tagiliran ng city hall sa Kalayaan Avenue ay tadtad na rin ng mga vendor!?

Alamin mo na rin kung sino ba ‘yang alias ‘ULO’ diyan sa city hall na kumukubra ng mga tongpats mula sa illegal terminal at vendors! 

Imbestigasyon sa Fallen 44 huwag sana maging chopsuey

HALATA naman na trying very hard itong administrasyon ni Pres. Benigno Aquino III na magpabango sa sambayanan pagkatapos ng nakadedesmaya at nakagagalit na insidente ng Fallen 44.

Aba ‘e, sinabi na nilang binubuo na ang Board of Inquiry na mag-iimbestiga sa ‘Operation Wolverine’ na ang naging ending ay masaker sa 44 kasapi Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), pero heto, humihirit naman ng TRUTH COMMISSION ang Senado at pagkatapos ng halos isang linggong pananahimik ay nagsalita na rin si Human Rights Commissioner Etsas ‘este Etta Rosales, mag-iimbestiga na rin daw sila.

Tsk tsk tsk…

Baka naman sa dami ng mag-iimbestiga na ‘yan ‘e magmukha namang CHOP SUEY ‘yan?!

Halo-halo na at iba-iba pa ang lumabas na bersiyon. 

‘E bakit hindi na lang sa National Bureau of Investigation (NBI) paimbestigahan ‘yan?! Credible na reliable pa.

Ano sa palagay ninyo, Sec. Sonny Colokoy ‘este Coloma?!

PICC Rehab pinaiimbestigahan sa Ombudsman

SIR Jerry check mo ‘yung project PICC rehab almost Php200M contract nakuha ni Gov. Tallado – Cam Norte under Vinhar Construction which the governor owns, he is liberal member and almost complete na ‘yung project. And also last Dec 2014 before Christmas na-discover ng Pasay City Hall walang building permit at in 2 days after staff of Gov. Tallado approach staff of Mayor Calixto, the City government provided express building permit in exchange for Php2M, Php3m. ‘Yung request nagkasundo sa Php2M all sources from one of Gov. Tallados project engineer and just happen I know also a sub-contractor of the said project thanks. Please conduct your own investigation on the said matter. – Email withheld upon request.

Riding in tandem sa Bambang, T. Mapua at Severino Reyes

SIR baka pwde makisuyo sa ‘yo. D2 along Bambang, Tomas Mapua, Severino Reyes papuntang LRT Bambang, tuing madaling araw mga 4am to 6am may riding in tandem na bumibiktima sa mga naglalakad d’yan. Patimbre mo naman. Kaninang 5am may nadale na naman sila. Ty. +639185654 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *