KINAGILIWAN ang 3-anyos na sausage dog sa Australia dahil sa pagkahilig sa surfing.
Si Basil na isang dachshund at ang amo niyang si Jess Coles ay regular na nakikita sa Torquay beach, malapit sa Melbourne.
Ayon kay Miss Coles, 21, nagsimulang mag-surfing si Basil sa kanyang longboard noong siya ay tuta pa lamang.
At bagama’t natakot sa dagat sa simula ang maliit na aso, madalas na siyang sumasama sa surfing ng kanyang amo.
“He’s pretty brave for a little dog,” aniya. “He’s definitely got a bit of attitude – he thinks he’s a German shepherd, not a sausage dog.”
“I get lots of people yelling out, ‘Oh, there’s a surfing sausage’ – the little kids love it.”