Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Tom Cat (Part 5)

00 alyas tomcatMAHIRAP ANG BUHAY PERO PATULOY SI SGT. TOM SA PAGTUPAD SA TUNGKULIN

Kinagabihan ay naka-partner ni Sgt. Tom si Sgt. Ruiz sa kanyang lakad. Isang bigtime drug dealer na matagal na nilang minamanmanan ang makakatransaksiyon niya sa isang fastfood.

“D2 n ‘ko loob, nkposte malapit sa counter,” ang text message nito sa kanya.

“K. Kmi ng subject ay jan ppwes2 sa hrpan mo…” reply niya sa ka-buddy.

Nasunod ang plano ni Sgt. Tom na makaharap sa loob ng fastfood ang drug dealer na si alyas “Jack Stone.” Doon siya nakipagpalitan ng pera sa bitbit na shabu ng tulak. Naroroon naman si Sgt. Ruiz sa kabilang mesa na palihim na kumukuha ng mga larawan sa pamamagitan ng isang spy cam.

Dali-dali siyang iniwan ni Jack Stone matapos maganap ang bayaran.

“Kotse ng subject, nkunan mo ng pic?” tanong niya sa ka-buddy.

“Yup, Bro…” ang sagot nito sa text niya.

Hindi binitbit nina Sgt. Tom at Sgt. Ruiz si Jack Stone. Nagkita ang mag-partner sa isang maliit na restaurant upang doon nila pag-usapan ang mga susunod na pagkilos.

“Bukod kay Jack Stone ay target din nating masakote ang mas malalaking isda na nasa likod ng drug syndicate,” pag-aanunsiyo ni Sgt. Tom kay Sgt. Ruiz.

“Ibig sabihin niyan, Bro, mas malaki at mahirap na trabaho pa ang papasukin natin…” ang reaksiyon nito sa mga ipinahayag niya.

Tango ang isinagot niya sa kabaro.

“Pader ang babanggain natin, Bro…” ang naisatinig ni Sgt. Ruiz.

“Totoo ‘yan, Bro… Pero sabi nga, ulo ng leon ang sinisilo, hindi ang buntot,” ngiti niya. “Kungdi tayo magkaibigan, Bro, at ‘di ako naniniwala sa krusada mo ay mas gugustuhin ko pang ma-assign sa kangkungan kaysa sumama sa ‘yo,” pakli sa pag-iling-iling ng kanyang ka-buddy. “Bro, hindi biro na malalagay sa panganib ang buhay natin, ha?” (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …