Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra buta pa rin

013015 brgy ginebra

BINAN, Laguna — HINDI maganda para sa Barangay Ginebra San Miguel na makasama ang dalawang expansion teams na Blackwater Sports at Kia Motors sa pagiging kulelat sa team standings ng PBA Commissioner’s Cup.

Noong Linggo ay umuwing luhaan ang mga tagahanga ng Kings sa Alonte Sports Arena pagkatapos na bumagsak ang tropa ni coach Ato Agustin sa ikalawang sunod na pagkatalo dulot ng 69-68 na pagkabigo kontra Barako Bull.

Isang mintis na tres ni Joseph Yeo sa huling play ng Ginebra ang naging dahilan ng masakit na pagkatalo ng Kings.

“Our shots were not falling. Iyan ang problema namin, the way we execute. Sabog talaga,” wika ni Ginebra coach Ato Agustin. “Nagkasakit pa yung import namin (Michael Dunigan) at hindi siya naka-full-practice dahil nag-de-dehydrate siya kapag napagod.”

Nalimitahan si Dunigan sa 11 puntos kontra Energy kaya nasayang ang 18 puntos ni Greg Slaughter para sa Ginebra na tila hindi pa nakaka-angat kahit inalis na ang triangle offense ni dating coach Jeffrey Cariaso.

Sa panig ng Blackwater, 13 na sunod na pagkatalo ang nalasap ng Elite mula pa noong Philippine Cup.

Kontra Talk n Text ay nakalamang sila ng siyam na puntos sa ikatlong quarter bago humataw si Richard Howell ng 19 sa kanyang kabuuang 29 puntos sa huling quarter para tulungan ang Tropang Texters na makuha ang 88-78 na panalo.

“We need to have a better understanding of our roles within the team,” ani Blackwater coach Leo Isaac. “I’m asking my players to have more patience in dealing with our losses at the soonest possible time.”

Hindi umubra ang 14 puntos at 17 rebounds ni Marcus Douthit na tila wala pa sa kondisyon bilang pansamantalang kapalit ni Chris Charles.

“I think Marcus was important out there. He did what he could. I wanna play and it’s tough and frustrating to watch with my injury. I hope to speed up the process (ng aking pagpapagaling),” dagdag ni Charles. (James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …