PASISIGLAHIN ng maningning na pyrite ang ano mang lugar sa ilang sandali lamang. Pinatataas nito ang enerhiya at ibinabahagi ang kanyang optimitic energy kaya ang good quality ng pyrite ay nararapat sa feng shui collection ng crystals at stones.
Inaakalang ginto, ang pyrite ay kilala rin sa pangalang fool’s gold. Karamihan nito ay sa clusters, ngunit may matatagpuan din na pyrite sa stunning shapes ng cubes at globes. Nagiging popular na rin ang pyrite lalo na ang may carvings.
Ang pyrite ay may unique combination ng excellent energies para sa tahanan o opisina. Naghihikayat ito nang pagiging positibo at naglalabas ng cheerful energy.
Ang pyrite ay ‘very protective’ at pangontra sa negative energies habang nagsusulong ng pagiging masaya at masigla.
Ang versatile pyrite ay nagbabahagi rin ng kalidad ng ningning at solid brightness na nagsusulong nang maayos na paghuhusga at malinaw na pag-iisip. Ito ay excellent stone na makatutulong sa ano mang negosyo, gayondin sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ang pyrite ay nagsusulong ng pagiging positibo, kalinawan ng isip, gayondin ng physical stamina na kailangan sa ano mang gawain.
ni Lady Choi