Thursday , April 17 2025

Ex-AFP Generals bilang contractual employees sa Bureau of Customs

00 Palipad hangin Arnold ataderoANO kaya kung may magandang ibinubunga ang ginawang experiment in governance ni Finance Secretary, katulong ang palasyo sa Bureau of Customs (BoC) na ang isang malaking dahilan ay labanan ang century old corruption at smuggling sa ahensiya.

Hindi bababa marahil sa 30 ang mga retired general ng Armed Forces ang muling re-activated of sorts na itinalaga bilang mga district collector sa Bureau mahigit isang taon na. Ito ay matapos sabunin at ikula ni PNoy ang pamunuan ng B0C sa pamumuno noon ng kanyang political ally and close friend na si dating Congressman Ruffy Biazon. Sa masamang palad halos total failure si Biazon. Kaya biglang pinasibat although ang official line ng Malacañang noon nag-resign siya.

Dali-daling nagtalaga si Pinoy at Purisima ng mga bagong kapalit kasama na ang commissioner (ang kapalit ay isang civilian) na hinugot sa kampo ng mga RETIRADONG HENERAL ng MILITARY.

Kahit marahil itanggi pa ng Palasyo, sila ay itinalaga upang gibain ang maraming sindikato na parang mga anay na umuubos ng kita ng government sa pamamagitan ng smuggling, kakontsaba ang mga taga bureau- intelligence, law enforcement, assessment at operations. Every nook and corner ng Bureau sapol na sapol ng corruption. Dito na nga pumasok ang mga savior na mga dating heneral.

Sila ay ipinasok bilang “contractual employees” mula military papunta sa civilian agency (customs). Sinibak lahat ng mga district collector na pawang career (may mga abogado, mga CPA, chemists, etc). But who cares? Hanggang ngayon matapos ang mahigit na isang taon na, nagkaroon ng sibakan, nasa kangkungan pa rin ang career officers.

May isang taon ang life span ng mga kontrata ng mga heneral. Pero hindi sila  kasali sa payroll. Marahil ang kanilang honorarium o ano pa man ito ay galing sa DBM, hindi sa revenue ng customs. Tuloy din ang suweldo ng mga  career officers kahit pa naka “freezer sila. Lumampas na ang one year contract ng mga ex-general pawang ini-renew lang ni Purisima na responsible for their “detail” in the Bureau.

Sa 2014 na tax take ng Bureau may shortfall na P42-billion sa assigned target nito. Siyempre maraming alibi si Commissioner Sevilla. Isa pang katanungan, ano ba ang accountability ng mga ex-general? Sakop ba sila ng Ombudsman? Marahil hindi. Paano kung magkaroon sila ng graft case saan sila kakasuhan dahil sila ay pawang contractual lang. Pasisibatin na lang ba. Sila ay naging asset sa collection o nakaperhuwisyo. Wala sa mga taga-Bureau ang nagtatanong.

Dahil kaya takot silang buweltahan?     

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *