Friday , November 15 2024

Kung naging ‘tatay’ si P-Noy?

CRIME BUSTER LOGONANG sumabog ang balitang apatnapu’t apat na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang sabay-sabay na bumulagta o pa-traydor na tinodas ng mga bala ng mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Front at ng Bangsa Islamic Freedom Fighters sa kuta ng mga demonyong armadong rebelde sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao, iba’t ibang reaksyon o komento ang ating narinig mula sa mga naulila ng mga naging biktima ng karahasan.

May nagagalit at nagtatampo kay Pangulong Benigno Aquino III nang ang commander-in chief ng bansa ay hindi dumalo o sumalubong sa pagdating ng mga bangkay ng mga napaslang na commando ng PNP-SAF sa tarmac ng Villamor Airbase sa Pasay City.

Mas inuna at mas binigyan pa raw ng halaga ng pangulo ang pagpunta niya sa inaguration o ribbon cutting sa planta ng pagawaan ng isang sasakyan, ang Mitsubishi motor sa Laguna kaysa mga nasawing alagad ng batas.

Nang panahon na iyon ay marami ang lumuluha at nagdadalamhati sa mga kamag-anakan ng mga nasawing pulis. Kasama rin sa mga nagdadalamhati at humahagulgol ang kanilang mga kabaro sa Philippine National Police, mga retirado man o aktibo sa serbisyo at ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Hanggang sa necrological services na isinagawa sa headquarters ng PNP-SAF sa Camp Bagong Diwa sa Taguig noong Biyernes ng umaga ay magkatugma ang sitwasyon. Marami ang umiiyak at sumisigaw ng katarungan, katanungan sa pagkamatay ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Tulad ko, naranasan ko na rin ang magdalamhati, humagulgol sa burol at sa libing ng aking Inay at ng aking yumaong anak. Pinilit kong maka-move on sa mas lalong madaling panahon kaysa ako ay malungkot at magmaktol.

Sa isang banda, ang pangulo ng Republika Ng Pilipinas ay still single, bachelor, walang asawa at wala pa rin anak. Napakahapdi ang mawalan ng anak at ng pundasyon ng isang haligi ng tahanan. Kung naging ama lang si P-Noy???

Anyway, nakabawi naman ang pangulo nang ang mahaba niyang oras at panahon ay iukol niya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kasama ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing bayani ng elite PNP-SAF.

Sa kasalukuyan ay tameme pa rin ang suspendidong PNP chief na si director general Allan Purisima sa madugong enkuwentro sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Sweet na sina Boyet at Bayona

OPPSS, ang balita natin ay nag-uusap na sina Boyet del Rosario at two-terms Pasay City Councilor Onie Bayona tungkol sa nalalapit na 2016 local at presidential elections. Anyway, ang kailangan ni Boyet ay magaling na PR crisis.

Si Boyet ay lehitimong residente at tubong Pasay.

Sa isang dako, wala pa rin nabubuong political lineup ang maaaring makatunggali ni incumbent Pasay City Mayor Tony Calixto.

Naku po!!! Ang kumakalat na tsismis sa iba’t ibang barangay sa Pasay, naghahanap pa raw ng kapitalista o financier ang politikong naghahangad na makatunggali ang super-power na Calixto Team.

   ung ganyan ang kanilang plataporma, malamang hindi sila makabuabuo ng political line-up bago dumating ang final filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 2015. Paliliguan sila ng alikabok ng Calixto Team sa 2016.

Pergalan sa Pampanga

HINDI yata alam ng officer-in-charge ng PNP sa Region 3 na nagkalat na sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pampanga ang racket na sugal na color games at dropballs na ang capitalista ay sina Boy Lim, Michael Taba, Normang Topak at Dante.

Kung ipasusuyod ni Chief Supt. Ronald Santos ang bayan sa Cassava, San Matias sa Sto. Tomas,  Pampanga; San Jose, San Fernando, Pampanga; sa Cabalantian, Bacolor, Pampanga; Sa Barangay Pirig sa Mexico, Pampanga; ang puesto pijong walang baklasan ng pergalan sa Dau, Mabalacat, Pampanga (tapat ng Sogo Hotel) at sa intersection sa San Fernando, Pampanga (tabi ng KFC), sigurado maraming mahuhuli ang operating unit na nakatalaga sa PNP Region 3, ang R-2 at ang RSOG ng mga lumalabag sa PD-1602 o sa anti-illegal gambling law.

Sa lalawigan ng La Union, dalawang pergalan na ang front ay peryahan ang mini-maintain ni Alex Buda na matatagpuan sa likod ng Chowking sa bayan ng Agoo at sa Naguilan. Sinulot ni Alex Buda ang dating pergalan king sa nasabing bayan na si Manding. Malamang, mas malaki ang offer ni Alex Buda sa local PNP.

Gambling den sa Talisay

MADALAS daw magkagulo sa pergalan na itinayo sa may bayan sa Talisay, Batangas. Wala naman daw kinatatakutan sina Kap.Tessie, Aling Baby at June, alias yorme dahil malakas daw sila sa local PNP ng Talisay.

Sa Brgy. Sampaga sa Balayan, Batangas, hindi rin maawat-awat ng ilang barangay official ang patupadahan, VK operations at loteng bookies sa nasabing bayan. Wala raw ginagawang aksyon ang local PNP at ang Asosasyon ng mga Tanod sa Balayan, Batangas.

Sa San Jose del Monte City, Bulacan grupo raw ni Somera ang may palatag ng mga VK machines sa 1st district sa San Jose del Monte City. Ilang taon na raw pinakikinabangan ng Somera team ang 1st district sa San Jose del Monte City. Naku po!!! Mayor, kilos na!!!

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *