Wednesday , July 30 2025

48 OFWs dumating mula Libya

112714 OFWsDUMATING sa bansa ang 48 overseas Filipino workes mula sa Libya, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dakong 3:10 p.m. nitong Biyernes nang dumating ang unang batch na 24 OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng flight QR926.

Sinundan ito nang pagdating ng 24 OFWs sakay ng EK332, Terminal 3 sa NAIA Terminal 3 bandang 4 p.m.

Sinalubong ng mga kinatawan ng DFA at Overseas Workers Welfare Administration sa airport ang umuwing OFWs upang alalayan at bigyan ng briefing.

Sa kanilang pagdating, umabot na sa 4,107 Filipino galing Libya ang napauwi sa pamamagitan ng repatriation program ng gobyerno ng Filipinas.

Patuloy na nananawagan ang ahensiya sa mga Filipino sa Libya na makipag-ugnayan sa Embahada ng Filipinas sa Tripoli para sa kanilang pag-uwi sa Filipinas.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raymond Adrian Salceda Bongbong Marcos

Rep. Salceda pinapugayan si PBBM sa pagtutok sa ‘Food Security’ at ‘Coco Levy’ sa SONA 2025

PINAPUGAYAN ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda si Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutok niya …

DigiPlus BingoPlus Foundation DSWD

DigiPlus, BingoPlus Foundation deepen commitment to crisis relief, supports DSWD’s new satellite center

DigiPlus Interactive Corp., through its social development arm BingoPlus Foundation, has once again extended support …

Chel Diokno BBM Bongbong Marcos

Review ng flood control hindi sapat ‘corruption control’ kailangan – solon

ni GERRY BALDO HABANG pinapalakpakan ng mga kongresista ang banta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Martin Romualdez Salvador Pleyto

House Speaker Martin Romualdez nanumpa kay Bulacan Rep. Salvador Pleyto

LIHIS sa tradisyon ng Kamara de Representantes na pinanunumpa ang bagong halal na House Speaker …

San Miguel Bulacan Police PNP

Astig na senior citizen nanindak sa barangay, tiklo sa boga at bala

INARESTO ng mga awtoridad ang isang senior citizen matapos ireklamo ng pananakot at pagpapaputok ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *