Friday , November 15 2024

P-Noy walang binatbat – FVR

00 bullseye batuigasWALA umanong binatbat at mahina dumiskarte si Pres. Noynoy Aquino kaya pumalpak ang operasyon at minasaker ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ng mga damuhong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo.

Ito ang tahasang pagbatikos na ibinigay ni dating Pres. Fidel V. Ramos kay P-Noy bilang   commander-in-chief ng PNP. Naging kampante rin daw ang mga opisyal ng gobyerno, peace negotiators at field commanders sa usapang pangkapayaan at sa MILF kaya hindi inakala na masasawi ang mga pulis na itinalaga nila sa operasyon.

Ang pinuno ng government peace panel na si Prof. Miriam Ferrer at Presidential Adviser on the peace Process na si Sec. Teresita “Ging” Deles ay dapat humingi raw muna ng payo sa mga retiradong opisyal ng AFP at PNP na may karanasan at kaalaman sa gulo sa Mindanao.

Hindi lang daw nagkaroon ng pagkukulang sa koordinasyon sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at MILF kundi mahina talaga ang pagbibigay ng direksyon na nagmula kay P-Noy.

Maging ang sinseridad ng MILF na isulong ang usapang pangkapayapaan ay kanyang pinuna.

Sa totoo lang, nagbabaga sa galit ang sambayanan dahil sa sinapit ng grupo ng SAF na tutupad lang sana sa kanilang misyon na arestuhin ang damuhong lider ng Jemaah Islamiyah na si Zulkifli bin Hir, na kilala rin bilang commander Marwan, at BIFF commander Basil Usman.

Kalokohan ang katwiran ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal na ipinagtanggol lang daw ng mga rebelde ang kanilang mga sarili sa insidente. Hindi naman daw ipinaalam sa kanila ng mga pulis na may isasagawa silang operation sa lugar.

Ang tanong ay bakit ipaaalam ng kapulisan ang pakay nila sa mga rebelde na kumukupkop sa mga terorista na kanilang huhulihin? Napakalaking kagaguhan nito.

At kung sadyang tapat ang MILF sa isinusulong na peace talks ay rerespetuhin nila ang ating kapulisan at tutulungan pa nila ang mga ito sa isasagawa nilang operayson.

Nakapagtataka rin na ang isang malaking operasyon na tulat ng naganap na halos 400 pulis ang naatasang tumupad ay hindi alam at walang basbas ng matataas na opisyal na tulad nina PNP Dep. Dir. Gen. Leonardo Espina at Interior Sec. Mar Roxas.

Naniniwala si dating Chief Supt. Rodolfo “Boogie” Mendoza na si PNP Chief Alan Purisima ang nag-utos ng misyon at batid daw ito nina P-Noy at Executive Secretary Paquito Ochoa. At ang tanong ni Mendoza ay kung bakit nagawa umano ni Purisima na kontrolin ang implementayon ng naturang misyon kahit sinuspinde na ito ng Ombudsman?

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano ba talaga ang hawak ni Purisima kay P-Noy, mga mare at pare ko, at hindi siya mabitiw-bitiwan ng Pangulo? 

Manmanan!

***

PUNA: “Taos-puso po akong nakikiramay sa SAF victims at sa kanilang mga pamilya. Dapat nang itigil ang palusutan at sisihan sa nangyaring trahedya sa Mindanao. Panahon na para pag-isipan at isabatas ang dapat para ‘di na muling mangyari pa. Ang dapat gawin ng president at mga kinauukulang mambabatas ay gumawa ng batas na magbabawal at bubuwag sa mga grupong armado tulad ng MILF, MNLF, Abu Sayyaf, BIFF, private army at iba pang grupo na maaaring makagawa ng karahasan sa bayan Kung wala ang mga ito ay kampante lahat tayo.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *