MASUSUBOK ang dating dominasyon ni “future hall of famer” Anderson “The Spider” Silva sa kanyang pagbabalik sa Octagon kontra kay longtime contender Nick Diaz.
Sasalang ang dalawa sa limang rounds para sa middleweight bout ng UFC 183 na isasaayre via satellite ng Balls Channel sa Linggo (February 1) sa ganap na 11:30 ng umaga.
Si Silva na nakilala na isang mixed martial artist ay nakakolekta ng iba’t ibang records sa kanyang pitong taong paghahari bilang kampeon ng 185-pound weight class. Sa kasalukuyan ay may karta siyang 33-6-0. Samantalang si Nick Diaz na tinatayang isang malaking panganib ay may 27-9-1 record.
Ang UFC 183 ay inaasahang magiging tulay ni Silva para muling makatuntong sa pedestal ng kasikatan pagkatapos na madale siya ng injury.
Para sa updates, visit Balls Channel’s official website (www.ballschannel.tv), like Balls Channel on Facebook (www.facebook.com/BallsChannel), or follow their official account on Twitter (@BallsChannel)