Thursday , December 26 2024

Tsinutsubibo ba ni Pnoy ang publiko?

00 Bulabugin jerry yap jsyHANGAL at uto-uto ba ang tingin ni Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanan?

Sa kanyang ‘speech’ apat na araw matapos ang Maguindanao massacre II, binigyang katuwiran ni PNoy na magsasalita siya kahit hindi natatapos ang imbestigasyon ng board of inquiry hindi para pangunahan ito kundi para ipaalam sa publiko kung ano ang kanyang nalalaman.

Ang haba  ng speech ni PNoy, pero wala tayong masalamin na katapatan. Lalong hindi natin naramdaman ‘yung sinabi niyang, “…kundi dahil karapatan ninyong malaman ang alam natin sa puntong ito.”

To make the long ‘speech’ short parang ganito lang ‘yun… “alam ko ‘yang operasyon na ‘yan pero hindi ako ang may kasalanan kung bakit napatay ‘yung mga SAF. ‘Yung hepe nila ang may kasalanan — si Napanes.”

Tsk tsk tsk…

Sino kaya ang ponente ng speech ni PNoy?! Si Secretary Sonny Kolokoy ‘este Coloma kaya?!

Dinaig pa nga raw si Poncio Pilato sa paghuhugas ng kamay.

Mantakin ninyong 44 buhay ng elite cops ang isinakripisyo dahil sa isang operasyon na mukhang matagal nang plinano pero hindi pinag-aralan ang terrain sa bisinidad na pinangyarihan ng ‘masaker.’

Nang mapanood natin kung saan naganap ang insidente, ‘e talagang ang nasabi lang natin ‘yung SAF ang na-sandwich sa gitna ng maisan hindi ‘yung grupo na pinaniniwalaang kinabibilangan nina Abdulbasit Usman at Zulkipli Bin Hir, alias Abu Marwan.

Mahal na Pangulo, kung mababasa lang ninyo ang galit ng mga kaanak ng 44 miyembro ng SAF-PNP at ng netizens, trending na trending ka talaga sa social media!

Sa palagay natin ‘e hindi magtatapos sa kontroladong imbestigasyon ng board of inquiry ang ‘lihim’ o ‘agenda’ ng sabi nga ‘e Maguindanao (Mamapasano) massacre 2.

Sabi nga ng isang matinik na intelligence officer na si Boogie Mendoza, ang board of inquiry ay hindi dapat buuin ng mga heneral na kaklase ng suspendidong PNP chief na si Dir. Gen. Alan Purisima.

Kung gusto ng Pangulo na makalusot sa malaking eskandalo na ito, hindi niya kailangan maghugas-kamay at ibunton ang sisi kay PNP-SAF chief, Supt. Getulio Napenas.

Huwag din niyang tatangkain na ‘ituwid’ ang mali sa pamamagitan ng isa pang mali dahil t’yak na d’yan siya malulubog sa kumunoy.

At higit sa lahat, huwag ituring ng Pangulo na hangal at uto-uto ang sambayanan na para bang kayang-kaya niyang itsubibo.

Ano man ang nasa likod ng insidenteng ito, naniniwala tayo na isa itong multo na pauli-ulit na dadalaw sa bangungot ng mga arkitekto ng karumal-dumal na pagkakapaslang sa 44 miyembro ng PNP-SAF.

Mag-ingat sa bad apples mula California, USA

NAGBABALA si Dr. Willie Ong ng Philippine Heart Association na mag-ingat sa pagkain ng mansanas (apple) lalo na kung hindi nila alam kung saan ito nanggaling.

Ang babala ay kaugnay ng ipinababawing 375,000 kahon ng mansanas na produksiyon ng Gala and Granny Smith noong 2014 na sinabi ng US FDA na maaaring makasama sa kalusugan dahil sa listeria outbreak.

Ang Listeria ay isang uri ng bacteria na pinagmumulan ng food poisoning.

Ang isa pang delikado rito, kung nailagay ninyo sa inyong refrigerator ang prutas na ito, maaaring  mahawa ng bacteria ang iba pa ninyong pagkain, kaya kinakailangan din linisin ang kabuuan nito.

Pero ang higit na nakapagtataka, bakit hanggang ngayon ay wala pang babala sa publiko ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan?!

‘E alam n’yo naman ang mga Pinoy, mas gusto pa ang mansanas kaysa saging.

Kailan na naman aaksiyon ang mga kinauukulan, kapag marami na ang nalason dahil sa mga mansanas na hindi natin alam na kontaminado na pala ng Listerine?!

Aba, DOH, FDA kumilos kayo!!!

Human trafficking rumaragasa sa Iloilo Airport (Paging: SOJ Leila de Lima)

TALAMAK ngayon ang salyahan at palusutan diyan sa Iloilo airport. Ayon sa ating Bulabog boy, dito raw ngayon dumaraan ang mga pasahero na kadalasan ay na-o-offload sa tatlong terminal ng NAIA.

Tinatayang Bente hanggang trenta pasahero ang dumaraan araw-araw sa nasabing airport kaya kung susumahin sa benteng pasahero na lang na handang magbayad ng 30K makalabas lang ng bansa, maliwanag na 600K everyday ang take home ng mga sinasabing players na mahilig magpalusot sa Iloilo airport.

Aba parang tumatama pala sa lotto araw-araw ang diskarte ng mga hinayupak?! Hindi pa kasama riyan ang mga parating na Bombay at mga tsekwa at mga blacklisted na foreign nationals!

Ano naman kaya ang gagawing aksyon ng pakaang-kaang ‘ata na Immigration Comm. Fred Mison kung mapatunayan na totoo lahat ang mga nasabing impormasyon!?

Mas maganda siguro kung umpisahan na ang imbestigasyon bago na naman sumambulat ang balita sa mata ng iba pang kritiko.

Any comments I/O Bangeles of BI-Iloilo?

Pandurugas ng Marina sa mga pinoy seaman (Attn: DOTC Sec. Jun Abaya)

SIR Jerry gud pm po, baka pwede paki-hataw po ang MARINA dahil grabe mandugas sa mga marino. Ang doc stamp na 15 ay 30 pesos ang singil nila at ang katuwiran binibili raw po nila sa BIR ang stamp. Tapos ang uniform na ipapatong mo lang sa katawan mo sa loob ng 30 seconds ay 25 pesos na. Grabe ang kotong ng mga ‘yan sa dami ng seaman araw-araw na nagpupunta sa kanila bukod pa sa ibang branch nila pati na rin dito sa Marina Batangas. Salamat po God bless.

+639188810 – – – –

PS-5 Bagman Tata Diakzon konek sa butas ng bookies ni Bagman Cop Paknoy!? (Paging: NCRPO RD Gen. Carmelo valmoria)

INFORM ko lang po kayo Ka Jerry na ‘yan pong BAGMAN na si TATA WILYAM DIAKZON ng MPD PS5 ay may mga butas din po ng BOOKIES na minamantine ng kanyang kamaganak na si KAGAWAD BONG D. po sa PANDAY-PIRA cor HERBOSA TONDO MAYNILA. MARAMI at MALAWAK na rin po ang BOOKIES operation nila DIAKZON lalo na din po sa lupa ng Ermita Police dahil po libre sa Intelehensiya ang kanyang mga butas sa kanilang AOR, kasosyo po ni TATA WILYAM ang kanyang Pamangkin na pulis-bagman po na ilang taon na pong nakalubog sa serbisyo. Naka-UMBRELLA lang po sa pangalan ni BAGMAN COP PAKNOY FRESNEDI na siyang taga-hatag ng intelehensiya sa MPD. +63918662 – – – –

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *