Friday , November 15 2024

PNPA alumni nagbanta ng ‘mass leave’

00 pulis joeyNAGBANTA ng“mass leave” ang Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) na hihikayatin nila ang lahat ng 4,000 PNPA graduates na magbakasyon kapag hindi nabigyan ng hustisya ang pagmasaker sa 44 pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Maguindanao nung nakaraang Linggo.

Sinisiguro rin ng PNPAAAI na sasampahan nila ng criminal charges ang mga may sala at mga opisyal na nag-utos sa operasyon ng kinukunsiderang pinakamadugo sa kasaysayan ng PNP.

Sabi ni retired Chief Supt. Tomas Rentoy, ang tserman ng PNPAAAI, sasabihan nila ang lahat ng PNPA graduates na nakadeploy sa mga field na sabay-sabay mag-leave ng limang araw bilang protesta.

Sa 44 nasawi, anim ay mga produkto ng PNPA. Ito’y sina  Sr. Insp. Ryan Pabalinas, Sr. Insp. Rennie Tayrus, Sr. Insp. Gednat Tabdi, Sr. Insp. Cyrus Anniban, Sr. Inps. Max Jim Tria at Sr. Insp. John Garry Erana.

Lalo pang nag-alab ang damdamin ng mga pulis nang marinig ang pahayag ni Presidente Noynoy Aquino nitong Miyerkules ng gabi na tila walang gagawing hakbang para maigante ang mga nasawing pulis.

Napakalambot raw ng mga pahayag ni PNoy.

Sabi nga ni dating Presidente Fidel Ramos, napakahinang Commander in Chief ni PNoy.

Nang si impeached President Joseph “Erap” Estrada ang tanungin, ang sabi niya’y: “Dont trust MILF. All-out-war ang kailangan dyan.”

Gayundin ang damdamin ni retired 2-star General/ex-Senator/ex-Mayor Alfredo Lim: “Kailangan agad nag-retaliate ang gobyerno. Hindi puwede nang ganun nalang. In line of duty, nakauniporme, magsisilbi ng arrest warrant against high profile criminals, pinagbabaril. Aba’y hindi puwede. Dapat iganti ang mga pulis na nasawi, 44 yan.”

Pero malabo mangyari ang gusto ng mga decorated officials na ito, dahil bine-baby ng gobyerno ang mga armadong grupo sa Mindanao.

Mag-resign ka nalang, Mr. President!

Para kay Taguig City Mayor Cayetano

– Mr. Venancio, paki-parating lang kay Mayor Cayetano. Kasi dito sa Purok 1, Napindan, Taguig City, yung mga poste ng street lights nakabara sa kanal. Kaya yung mga basura nagbabara, di tuloy makaagos ng maganda. Thanks po. – Concerned citizen

Para kay LTFRB Chairman Winston Ginez

– Ka Joey, para kay LTFRB Chairman ang mensaheng ito:  Hoy tolongges na chairman, magkano bang dahilan at napapayag ka ng mga uber company para mabigyan sila ng prangkisa? Halatang pera pera ang labanan ah. Papatayin mo ang hanapbuhay ng mga taxi driver, yung mga naiisip nyong programa puro sa pasahero. Bakit hindi nyo isipin kaming mga taxi driver na bigyan ng pansin kung paano ibaba ang mahal na boundary para hindi mangontrata ang mga taxi driver at hindi magbatingting ng mga metro. Oh di ba  malaking tulong sa mga pasahero yun pag naging patas na ang mga taxi driver, di ba? Ikaw lang Chairman, nalagyan kalang yata ng uber company binenta mo na kami. – 09489601…

Nasaan na ang human rights ni Etha Rosales?

– Gud am, Sir! Asan na po si Etha Rosales ng human rights? Ngayon sya pumapel. Dapat siguro pumunta sya sa Maguindanao. Give justice to the 44 PNP-SAF. Ngayon kailangan ang human rights na sinasabi niya. Pag pulis ang nang-agrabyado, ang yabang niya. Pulis ang biktima ngayon. Asan ang human rights? – 09295900…

Daming mandurukot sa Lawton, Manila

– Paki-kalampag naman ang mga pulis sa Lawton, Manila. Wala nang ginawa ang mga pulis dito kundi magpalaki ng mga bayag. Andaming mandurukot dito sa gilid ng Metropolitan Theater, mga batang Quiapo, lantaran pa kung mandukot, ‘di manlang nila mahuli. Andami na nadudukutan dito. Pag nagreklamo ka wala manlang aksyon, mga inutil talaga. Hoy!, mga unggoy!, gumalaw naman kayo baka maistrok kayo nyan. Hindi yung puro buraot nalang alam nyo. Magtrabaho naman kayo dahil pinapasuweldo kayo ng taong bayan. Ang kakapal na ng mga taba nyo sa tiyan, ang kakapal pa ng mukha nyo! Ang dapat sa inyo ipadala sa Maguindanao para kayo yung ipain sa MILF para may silbi naman kayo, mga inutil! – 0975330….

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *