Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpasa sa BBL wasto lang itigil

USAPING BAYAN LogoANG ginawang pagmasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa ating mga pulis ay sapat nang dahilan para itigil ang pagpasa ng kongreso sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sa-pagkat malinaw pa sa sikat ng haring araw na wala silang respeto sa ating republika at awtoridad. Tama ang desisyon ni Senador Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang pagdinig sa BBL hangga’t walang makabuluhang paliwanag ang MILF. Kailangang magbayad nang mahal ang mga kriminal na gumawa ng kalapastanganan sa ating mga pulis. Walang palusot mula sa MILF ang magbibigay katarungan sa kalupitan nilang ipinamalas sa ating mga pulis.

Bukod sa palusot ay tila ibig pa nilang lituhin kung MILF o BIFF ang may kagagawan ng krimeng ito. Ang totoo n’yan ay wala silang pagkakaiba. Pare-pareho lang ang MILF at BIFF bukod sa magkakamag-anak pa sila. 

Ilang beses nang nangyari na kung ang hinahanap ng ating awtoridad ay BIFF ay milagrong nagiging MILF sila at kung ang hinahanap naman ay MILF ay kataka-takang nagiging BIFF o lost command sila. Mukhang may sa hunyango.

Hindi na dapat bigyan pa ng puwang ang BBL sa ating lipunan. Binigyan na ng pagkakataon ang MILF pero kita naman ninyo ang sukli nila sa atin.

* * *

Tayong mga Filipino ay may reputasyon na mahusay na host. Likas ang ating mainit na pagtanggap sa mga bisita at pagbibigay konsiderasyon sa kanilang mga pangangailangan ngunit tila hindi ganito ang ating pangulo na si B.S. Aquino. Nasabi ko ito kasi narinig ko ang banat niya sa mga pari habang nagtatalumpati sa harap ni Papa Francisco. Ipinamukha rin niya sa Papa na “security nightmare” siya.

Ngayon hindi ko naman siya masisi nang lubos kasi alam ko na hindi siya presidente ng mga Filipino kundi ng mga maka-dilaw, dilawan o mga miyembro lamang nang Liberal Party. Ito nga ang dahilan kaya ‘yung pin niya sa dibdib ay dilaw na laso at hindi bandila ng Filipinas.

Sa puntong ito, representante lamang si B.S. Aquino ng ilan at hindi ng bayan at ‘yung ilan na iyon ay masasabi natin na walang nakitang masama sa kanyang inasal sa harap ng banal na Papa. Paano ninyong sisisihin ang pangulo lamang ng iilan at hindi ng pangkalahatan.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …