Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Kapwa namimingwit lang

00 kuwentoMakikipag-eyeball si Norlan kay Mizzy bandang ala-5:00-ala-5:30 ng hapon sa Mall Of Asia sa Pasay. Alas-kuwatro pa lang ay nakapaligo na siya. Nagpahid ng gel sa buhok. Nagpabango. Inispreyan ng body deodorant ang katawan. Ibinihis ang magaganda at mamahaling mga kasuotan. Isinuot ang relong Rolex at nagburloloy ng kuwintas sa leeg.

Excited na makita nang personal ang FB friend na si Mizzy, saktong ikalima ng hapon ay naroon na siya sa bisinidad ng MOA. Agad niya itong pinadalhan ng text message na “D2 na me.” Ang reply nito ay “lpit na me.”

Nakaharap niya ang dalaga sa loob ng isang fastfood. Mas maganda ito sa personal kaysa doon sa profile picture na naka-post sa FB. Maputi at makinis na ang kutis ay napaka-sexy pa. At talaga namang makalaglag brief sa mga kalalakihan.

Pero may itinakdang kwalipikasyon si Norlan para magustuhan niya ang isang babae. Pangunahin doon ang katayuan nito sa buhay. Kumbaga sa alahas ay dapat itong magtaglay ng mataas na karat. Kaya nga kinilatis niya ang mga kasuotan at gamit ni Mizzy. Hindi branded ang damit at sapatos na suot nito. Mumurahin ang cellphone. At nang pasimple niyang amuyin ang paba-ngo ng dalaga ay nahulaan niyang nag-cologne lang ito. Ay! Hindi nakapasa ang da-laga sa pamantayan niya.

Parang mangingisda si Norlan na gustong makabingwit ng isang matabang isda. Pero siya mismo ay masasabing wala rin naman “K.” Ang kanyang kwintas ay tubog lang sa ginto at ang relo niya ay pekeng Rolex. At bagama’t branded nga ang kanyang sapatos, pantalon at t-shirt, ang mga iyon ay galing lang naman sa ukay-ukay.

Totoong hindi nakapasa kay Norlan si Mizzy sa pangunahin niyang kwalipikas-yon. Pero sa paglipas ng mga araw ay daig pa niya ang nakulam. Hindi ito mawalay-walay sa kanyang isipan. Nabihag ng kagandahan nito ang damdamin niyang hindi nagpadikta sa kapasiyahan ng isipan.

Tinawagan niya si Mizzy para makipag-set sa muli nilang pakikipag-eyeball sa MOA o sa isang lugar na kombinyente sa kanilang dalawa. Pero hindi nito tinanggap ang mga tawag niya. Nag-text siya: “F ok sa u, pwede ba tau magkita ulit tom 6pm?” Nag-reply naman agad ito. Kaya nga lang ay ganito ang mensaheng ipinadala sa kanya ng dalaga: “Kung my car ka, cge… Fetch me sa hauz namin!”

 

Ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …