Kilusan sa Kapayaan at Kawastuhan (KKK)
hataw tabloid
January 30, 2015
Opinion
KAILANGANG magsama-sama ang mga mamamayan na naniniwala sa kawastuhan nang pag-iral ng mga batas at kapayapaan upang matuldukan ang kriminalidad at korupsiyon sa ating bansa.
Ang nagkakaisang boses ng law abiding citizens at mga nagmamahal sa kapayapaan na kokondena at lalaban sa mga katiwalian ng mga opisyal ng pamahalaan at paglaganap ng krimen, ang magsisilbing pastol ng lipunang Filipino.
Ito, ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang susi upang tuluyang maghari ang kapayapaan at makamit ang kaunlaran sa Filipinas.
Ang nasabing adbokasiya ang isusulong ng isang organisasyon na pangungunahan ni Lim na bubuuin ng law abiding at peace loving citizens.
“Kapag may grupong nagsasalita at aktibong kikilos laban sa korupsiyon at kriminalidad, magdadalawang-isip ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga kriminal na lumabag sa batas,” sabi pa ni Lim.
Bilang dating pulis ay labis na ikinalungkot ni Lim ang brutal na pagpaslang sa 44 na miyembro ng Philippine National Police –Special Action Force (PNP-SAF) nang maka-enkuwentro ang pinagsanib na puwersa ng Moro Islmic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Lunes.
Ang madugong insidente aniya ay walang puwang sa sibilisadong lipunan at nagpakita na kaduda-duda ang sinseridad ng MILF sa nilagdaang peace agreement sa pamahalaang Aquino.
Inihalintulad ni Lim ang ginawa ng MILF sa Mamasapano sa isang bata na sinuntok ang kanyang kaaway sa kabila na nagkabati na sila at nagkasundo na hindi na muling magsasalpukan.
Naniniwala si Lim na dapat maglunsad ng opensiba ang militar at pulisya laban sa mga responsable sa pagmasaker sa mga pulis sa Mamasapano dahil malinaw na ipinatupad lang ng mga taga-SAF ang batas nang salakayin ang lugar na pinagkukutaan ng mga teroristang pinaghahanap sa buong mundo.
“Sila na ang nagpapatupad ng batas, sila pa ang mga brutal na pinatay ng mga nagkakanlong sa international terrorists, ano pa ang iimbestigahan sa ganitong sitwasyon? Ang mga pulis pa ba na ginampanan ang kanilang tungkulin ang may kasalanan?” wika pa ni Lim.
Ihahayag ang pormal na paglulunsad ng nasabing kilusan at mga aktibidad nito sa mga susunod na araw.
Abangan!
Constancia “Asiang” Lapid-Cocueco, 89
PUMANAW na kamakalawa si CONSTANCIA “ASIANG” LAPID COCUECO sa edad na 89.
Ang kanyang labi ay nakalagak sa kanilang tahanan sa No.18 Osmeña St., San Francisco del Monte, Quezon City, bago dalhin sa Maquiapo, Pampanga sa Sabado (Jan. 31) ng umaga.
Ang libing ay sa Martes (Feb.3), 9:00 ng umaga.
Siya ay nakatatandang kapatid ng yumaong action star na si Jess Lapid, Sr. at kapatid ng ama ni Sen. Manuel “Lito” Lapid.
Sa karagdagang detalye, tumawag sa 09178923833.
Boses ng Netizens
FALLEN HEROES – “SAF is one unit that is assigned to protect embassies in the country. Their members are well aware of this FACT, about the US rewards program to combat terrorism. They are not eligible. Under the law that governs the program, U.S., state, local, and foreign government employees are generally not eligible for a reward if they provide information obtained in the performance of their official duties. One thing making the rounds is that some Philippine National Police officers were after the reward on the heads of the wanted persons. Let’s give respect where it is due – these men knew the only REWARD they would get would be any offered by the Philippine Government. Which means they were just there doing their duty. No reward would be given to them from US program more so to senior officials. Unless a special arrangement was made it is rare they would ever get anything than the thanks of grateful nation and allies. Let’s report facts – not insult the memory of those who died, Para sa Bayan.” (Bob Blues Magoo, veteran broadcaster)
***
NASAAN SI ETTA? – “Sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 44 na pulis ng mga rebelde, ang tanong: Nasaan si Etta Rosales ng Human Rights Commission?”
***
HINDI BIDA ANG MILF – “Plano pa yatang gawing Whistleblowers at witnesses ni PNoy ang MILF, he-he-he! Lubusin n’ya na, bigyan n’ya ng reward ang sino mang miyembro ng MILF na makapagtuturo sa mga may kagagawan.” (Tim, Singapore)
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])