ANG chi gong ay sining ng pagpapakilos ng iyong chi sa paraang magdudulot ng natural harmony sa iyong buong energy field. Sa pagsasagawa nito, hinihikayat ang iyong katawan sa pagpapatupad ng spontaneous movements upang maipakalat, maipalabas o masagap ang chi. Ang ideya ay upang mabatid ng iyong subconscious na kaila-ngan mo ito, at habang nasa estado na kung ang iyong subconscious ang nangingibabaw, magagawa mo na ang correct adjustments. Habang isinasagawa mo ang iyong chi gong exercises, magsasagawa ng mga pagbabago ang iyong extended energy field sa chi sa loob ng kwarto. Kung maaari kusang i-harmonize ang iyong chi, kasabay nito, maitutulak mo ang kusang realignment ng chi sa kwarto.
Sa pagsasagawa nito, kailangan mong ihanda ang iyong katawan upang mas madali ang pagsisimula ng spontaneous chi gong movements. Ang initial exercises ay naglalayong malayang makagalaw ang ibang bahagi ng iyong ka-twan nang hindi gina-gamit ang muscles nito. Ito ay makatutulong sa iyong mag-relax at mahayaang mapakilos ang mga bahagi ng iyong katawan nang hindi ginagamit ang iyong conscious mind.
ni Lady Choi