Kinalap ni Tracy Cabrera
NAGBABALA ang billionaire-philanthropist na si Bill Gates laban sa pagkakaroon ng ‘digmaan’ kontra sakit na maaaring lumaganap at magdudulot ng malawak na paghihirap sa sangkatauhan sa nalalapit na panahon.
Ayon kay Gates, kailangang gamitin ng mundo ang mga leksyon mula sa pakikipaglaban sa sakit na Ebola para makapaghanda sa digmaan laban sa binansagang ‘global killer disease’ sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya.
Nasa Berlin ang bilyonaryong pilantropo para sa donor conference ng GAVI alliance na magdadala ng bakuna sa mahihirap na bansa, at dito iniha-yag ni Gates ang paniniwalang kabalbalan ang pagwawalang bahala sa banta ng worldwide pandemic sa darating na panahon.
“Maaaring may dumating na pathogen mas mahirap puksain (kaysa Ebola), isang uri ng lagnat, o SARS o kaya virus na hindi pa natin nakikita,” wika nito sa wikang Ingles sa panayam ng AFP.
“Hindi natin alam kung mangyayari ito ngunit malaking posibilidad na isa sa mga leksyon sa Ebola ang tanungin ang ating sarili: handa ba tayo sa mga magaganap sa kinabukasan? Ang magandang pag-hahambing ay pag-hahanda sa digmaan—mayroon tayong mga eroplano at pagsasanay at saka tayo nagpa-practice,” dagdag ni Gates.
Kabilang umano rito ang pagtatatag ng mga team ng vo-lunteer na handang mag-mobilize ano mang oras para sa public health emergency, na katulad ng mga ginagawa sa bansang tinamaan ng Ebola sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Itinanghal si Gates na pinakamayamang tao sa mundo ng Forbes magazine at may net worth na US$80 bilyon (70 bil-yong euro) at ang Bill and Melinda Gates Foundation ay namamahagi ng hindi kukulangin sa US$4 bilyon kada taon para makatulong sa mahihirap.