Thursday , December 26 2024

Nang dahil lang ba sa US$5-M? SAID nagtrabaho rin!

00 aksyon almarNAKALULUNGKOT ang nangyari kamakalawa sa hanay ng pulisya natin, mahigit sa 50 pulis ng Special Action Force (SAF) ang minasaker sa Mamasapano, Maguindanao. Enkuwentro nga ba ang nangyari?

Sa video na napapanood sa Youtube, nakaaawa ang hitsura ng mga napatay na mga SAF. Hindi lang sila nabaril at napatay sa sinasabing enkuwentro kundi kung pagbabasehan ang mga tama nila ay mistulang hindi napatay sa enkuwentro ang mga biktima sa halip, pinagpapapatay sila nang malapitan.

Maaari rin napatay na nga sila sa bakbakan o enkuwentro pagkatapos ay pinagbabaril pa sila nang malapitan kaya sabog-sabog ang tama ng mga pulis.

Ang masama ay pinagnakawan pa ang mga kawawang pulis.

Ano nga ba ang tunay na nangyari sa lugar? Sino nga ba ang dapat sisihin o pagbayarin sa pagkawala ng mga pulis?

Siyempre, una, ang mga pumatay sa mga taga-SAF ngunit, sila nga lang ba ang papapanagutin? E paano iyong mga nakatataas na opisyal na nag-utos sa kanilang para sumugod sa lugar, hindi ba dapat na imasaker din at hindi lang sibakin  sa puwesto. Ang nangyayari pa nga e, matapos na sibakin ay napo-promote pa. Kaya magbantay tayo mga kababayan, maraming beses nang nangyari ito sa PNP – matapos masibak sa kapalpakan at napo-promote pa.

Pasensiya na po, ang sa akin lang naman, dapat may managot ding opisyal sa naturang masaker. Hindi kasi nangyari ito kung hindi niya/nila ipinag-utos ang operasyon. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng mga nakatataas na opisyal ng mga napatay na SAF na may kasalukuyang nagaganap na usapang pangkayapaan para sa Bangsamoro Basic Law ni PNoy.

Ang pag-relieved sa pinuno ng SAF at hindi solusyon, kundi isa lamang pakonsuwelo. Ang dapat, managot ang lahat ng opisyal na nasa likod ng pagpapalabas sa SAF para dakpin sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Basit Usman ng Jemaah Islamiyah terrorist group  na kapwa may patong na US$5 milyon sa gobyernong Amerikano.

Imbestigahan ang mga opisyal—oo dahil, maaaring nag-udyok sa kanila para gamitin ang mga SAF ang reward na US$5M.

Naku ha, dahil sa $5 milyon na ‘yan, maraming buhay naman ang nawala. Sana mali tayo sa hinala pero hindi nga ba? Ang masaklap ay hindi rin naman nakuha ang target.

***

Sa wakas, tinamaan din ang lintek na Station Anti-Illegal Drugs ng QCPD Kamuning Police Station 10, sa mga batikos na pulos 1602 lang ang kanilang tinatrabaho na dapat ay hindi at sa halip ang mandato nila ay manghuli nga mga tulak.

Hayun, nagpakitang-gilas din ang SAID. Nanghuli at tinuluyan ang kanilang inarestong pusher na kumikilos sa area of responsibility ng Station 10.

Hindi kaya, baka hindi lang nagkasundo sa “presyo” kaya tinuluyan ang tulak? Hindi naman siguro dahil si Sr. Supt. Joel Pagdilao, QCPD Director, ang nag-utos sa estasyon na magtrabaho sila – hulihin ang Number 1 kriminal sa kanilang nasasakupan.

Kaya hayun, napilitan ang SAID na magtrabaho at hayun ang itinuturing ng estasyon na number one tulak sa Barangay Pinyahan ay kanilang nadakip, si Edgardo Martinez. Siya ay dinakip matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Teka, ilan nga ba ang nakompiska sa mama, isang kilo? Aba’y Top One ‘yan sa estasyon kaya ibig sabihin ay marami-raming nakuhang shabu. Hindi raw e, isang sachet lang daw. Number one tulak nga! Kasi isang sachet lang ang nakuha. Ha ha ha!

Anyway, buti naman at may silbi na ang SAID ng Kamuning Police Station 10. Pero baka naman, hanggang diyan na lang ang pagtatrabahong ‘yan ha!

O sige na nga, saludo na tayo sa pagkaaresto niyo sa top one tulak. Sana totoong top one at hindi puwersadong maging top one. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *