Sunday , November 17 2024

Imbestigasyon i-push mo na agad Sen. Grace Poe! (Sa ‘kinatkong’ na allowance ng mga pulis sa Papal visit)

Poe PNP papal visitBILANG chairperson ng Senate Committee on Public Order and Safety, maraming pulis ang humihiling kay Senator Grace Poe na imbestigahan sa Senado ang naganap na iregularidad sa allowance na nakalaan sa 25,000 kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nasa tour of duty nitong nakaraang Papal visit.

Ang alam ng mga pulis, nakatakda silang tumanggap ng P2,400 allowance sa kabuuan ng Papal visit pero hindi nangyari ito.

Sa unang araw umano binigyan sila ng P200 at nang sumunod ay P700, bale P900 na. Pagkatapos noon wala nang sumunod pa.

Ibig sabihin, P1,500 pa ang hindi natatanggap ng mga pulis hanggang sa kasalukuyan.

At ang masakit sa mga pulis na nabilad sa init ng araw at ulan, kahit food supply… WALEY!

Nagkasibakan na sa hanay ng mga opisyal. Napuruhan si Supt. Evangeline Martos, budget officer ng Police Security and Protection Group (PSPG) habang ang kanynag hepe na si Chief Supt. Manuel Felix ay isinasailalim pa umano sa imbestigasyon.

Mayroon lang tayong tanong sa pagsibak kay Kernel Martos, bakit ganoon kabilis?!

Hindi man lang naipakita sa proseso kung siya ba talaga ang may kasalanan sa pagkakakupit ‘este pagkakabinbin ng Papal visit police allowance.

At paano naman iniimbestigahan si Gen. Felix?!

Ang bilis ng initiative ng PNP na sibakin at imbestigahan agad ang dalawa pero pagkatapos ng nasabing pronouncement, ano na ang nangyari?

Ano ang ebidensiya o sirkumstansiya na nagtuturo kina Martos at Felix na sila ang responsable sa nasabing pagkakabinbin?

Of course mayroon silang command responsibility, pero ang dapat makita ng publiko ay kung paano namamaniobra ang ganyang kalakaran sa hierarkiya ng pambansang pulisya.

Marami ang naniniwala na hindi lang dapat ma-confine ang imbestigasyon sa loob ng PNP. Dapat ay himayin sa Senado ang nabuyangyang na iregularidad dahil mas malaki ang posibilidad na hindi lamang ito ngayon nangyari.

Dapat na rin sigurong ipasok ang Commission on Audit (COA) sa imbestigasyong ito upang mabusisi nang tuluyan kung paano umiikot ang pondo sa loob ng PNP.

At bigyan din ng proteksiyon ang mga nagsalita at nagreklamong pulis dahil mukhang sila pa ang nababaliktad ngayon.

Sabi nga nila, puwede naman silang wala, pero ‘wag ‘yung iba meron at ‘yung para sa iba ay ibinulsa ng mga opisyal nila.

Huwag na rin tayong magtaka kung bakit maraming pulis ang nababaon sa utang na ang inuutang ay sarili nilang pera.

Tsk tsk tsk…

Gusto nating paniwalaan ang matagal nang tsismis sa loob ng PNP na mayroong ‘syndicated loan shark’ sa loob ng PNP, gamit na puhunan ang suweldo mismo ng mga lespu.

Sa construction industry, ang tawag d’yan ay Taiwan system. Ipinauutang sa mga laborer ang sarili nilang suweldo at kinakaltasan na ng porsiyento, ‘yan ay sa pagkakaalam na wala pa raw silang suweldo.

Tinatawag din ‘yan na panggigisa sa sariling mantika.

Kung totoo man itong nagaganap sa loob mismo ng PNP, ‘yan ang mabigat na tungkulin na nakaatang ngayon sa balikat ni Sen. Grace Poe.

Hihintayin po namin ang imbestigasyon na pamumunuan ninyo.                                

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *