Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bornok nagpakita ng gilas sa pagsakay

00 rektaMuling naipakita ang pagiging rapid fire ng hineteng si Dominador “Bornok” Borbe Jr. sa ibabaw ng kabayong si Global Warrior nitong nagdaang Martes ng gabi sa pista ng Sta. Ana Park.

Mula sa largahan ay maganda ang naging labas ng tambalan nila, kaya naisunod kaagad sa bumanderang outstanding favorite na si Saint Tropez ni Pati Dilema.

Bago pa man dumating sa medya milya ay ginalawan na ni Bornok ang kanyang sakay dahil may kalayuan ang nasa unahan.

Papasok sa rektahan ay walang humpay nang binibuhan ni Bornok na halos lumipad na sa pagbulusok si Global Warrior dahil na rin sa haba ng mga hakbang, kaya sa huling 100 metro ay nalagpasan nila si Saint Tropez at nagwagi pa ng may tatlong kabayong agwat pagdating sa meta.

Naorasan ang nasabing karera ng 1:21.8 (07-23’-23’-27’) para sa 1.300 meters na distansiya.

 

ni Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …