Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sentro ng Purefoods sinuspinde

ni James Ty III

112514 yousef taha

PINATAWAN ng PBA ng dalawang larong suspensiyon ang sentro ng Purefoods Star Hotdog na si Yousef Taha dahil sa kanyang pagsuntok kay Rain or Shine import Rick Jackson sa tune-up game ng dalawang koponan noong Biyernes sa Ronac Gym sa San Juan.

Bukod pa rito ay pinagmulta si Taha ng P60,000.

Anim na beses na sinuntok ni Taha si Jackson sa larong pinatigil sa ikatlong quarter dahil sa insidente.

Dahil dito, mapipilitan ang Purefoods na gamitin nang matagal sina Marc Pingris, Rafi Reavis at Mick Pennisi sa ilalim lalo na pansamantalang import lang si Marqus Blakely habang hindi pa dumarating ang permanente nitong import na si Daniel Orton.

Dalawa pang tune-up na laro ang itinigil din dahil sa iba’t ibang insidente ng suntukan tulad ng Ginebra-Globalport at Kia-Barako Bull.

Naunang pinagmulta ng tig-P30,000 sina Emman Monfort ng Ginebra at Terrence Romeo ng Globalport dahil din sa suntukan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …