Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oh, My Papa (Part 36)

00 papa logo

NAGLAKAS-LOOB AKONG HUMINGI NG TAWAD KAY NANAY DONATA

“Pakitingnan-tingnan silang dalawa, iho…” ang paghahabilin sa akin kina Inay at Itay ni Ka Dong.

“O-opo…” tango ko sa matandang lalaki.

Ginising ako sa higaan ng mga naghaharurutang traysikel na pupugak-pugak ang tambutso sa kalye. Malakas na ang saboy ng liwanag ng araw sa labas ng aming bahay. Tanghali na pala. Sumaisip ko agad na puntahan si Nanay Donata. Pero paglabas niya ng silid-tulugan ay matigas na agad ang kanyang anyo. Dinaanan lang ako sa komedor. Naglabas-masok siya sa kanilang kuwarto ni Tatay Armando na parang ‘di ako nakikita. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa sumusulak na galit. Dahilan iyon para magbantulot akong lapitan siya.

Ipinasiya kong pahupain munang kusa ang galit ni Inay sa paglipas ng mga araw. At muli akong kumuha ng buwelo. Nakabukas ang pinto ng kanilang silid ni Tatay Armando. Pagsilip ko sa loob niyon ay parang tuod na nakaupo sa kanilang higaan si Inay, nakasandal siya sa dingding at umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi nang nakatulala sa kawalan.

Nagbara sa lalamunan ko ang mga katagang “Patawad po, Inay.” Napatikhim ako. Muntik na akong mapaatras nang mag-angat ng mukha ang nanay ko. Luhaan man ay kita ko pa rin sa kanyang mga mata ang di-maikubling galit sa akin.

“Ano’ng kailangan mo?” ang paasik na pagtatanong sa akin ni Inay.

“P-patawad na po, Inay…” sabi ko na para bang napakahirap bigkasin.

“Bakit sa akin ka humihingi ng tawad? Sa tatay mo… Sa kanya ka dapat humingi ng kapatawaran…” sabi ng nanay ko na lalong nagpahumpak sa kanyang mga pisngi sa pagtigas ng tinig.

Sumaludsod sa sahig ang mabibigat kong mga paa sa paghakbang sa paglapit kay Tatay Armando: walang kakilos-kilos ang latag na latag na katawan sa papag at mandi’y nahihimbing sa pagkakatulog.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …